Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.
Weekend Woots
Monday, March 31, 2008
I stayed at home during the weekend. All my pamangkins were there, at
sobrang maingay sa bahay. Gimik sana ko Saturday night pero tinatamad talaga ko. I rejected all invitations, kahit uber gusto ko din magliwaliw. Pero mahirap kalaban ang katamaran. Just wanna share some crazy stuff, mostly kagagawan ng mga pamangkin ko. Sana lumaki naman silang matitino.
#####
There'll be a rerun of Marina. My pamangkins, after seeing the trailer, started to lie down the floor and covered their legs with blankets and towels. Argh. Malalanding kabataan. Marina fever is back!
#####
Iba ang epekto sa pamilya ko ng panunuod ng tv. We were watching PBB Teen Edition Plus and there was Priscilla, crying and telling Rona that she wanted to go home. Lip reading si Priscilla to understand her housemates kasi nga deaf sya. Aba, ang mga pamangkin ko maya-maya nagpapractice ng lip reading! Lerkeeeeey. Oh well, out of boredom, anubah, naki-join ako. Hehehe.
#####
Marathon ako ng Desperate Housewives and Sex and the City. Share ko lang ang line ni Samantha ng SATC.
"Money is power. Sex is power. Therefore, getting money for sex is simply an exchange of power." Why not? Bili po kayo ng laman.... bili po kayo ng power.... Lerkey.
#####
Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. My three-year old niece is so kikay. Last Saturday, she was wearing this bandana (or turban?), at naka-jelly shoes at maya-maya'y nagpalit ng may heels. I told her, "anlandi mo!" Eto ang sagot nya. "Ako si Celine.." Sabay tumalikod na ini-exag ang pagkembot nya. Naiwan akong windang. :headscratch:
#####
Still on my kikay pamangkin. Late na ko nagising at pagkababa ko, sinalubong nya ako with matching "Tito, kiss". Sa isip ko, "wow, answeet ng pamankin ko.." After the kiss, “Pengeng pera.”, with paglalahad ng palad. “Wala kong pera o.” Kinakapa ko pa ang bulsa ko. Si pamangkin, ang sagot. "Dun sa bag mo." Napalunok na lang ako. Kakalerkeey sya. Ako naman ang Tito na hindi makatiis sa mga pamangkin. Umakyat ako at kinuha ang aking bag. Pagbaba ko at akmang dudukot ng barya, nagdialogue ang aking pamangkin, "yung dilaw, marami." "Huwaaaat????!"
Maging Sino Ka Man*
Maging Sino Ka Man deserves some "thank you" space in this blog. The show ended two nights ago, and I couldn't ask for more. It was the perfect ending for me. Kudos to the writers, directors, the staff, producers, and the whole cast of the show. It really put Pinoy TV a notch higher. I hope they'll continue to give us shows of same genre and quality. Forget the ratings. I'd like to believe many people still prefer quality shows over basura. (Oo, patama ito sa lahat ng basurang shows. Ayoko magsabi ng show na may live wedding chorva.)
I'll miss the show, soooo much. And remembering great lines and scenes from it makes me ask for a rerun. Hehe. Or if not, DVD of book two please!!!!
Again, thanks to everyone behind Maging Sino Ka Man. It is truly the best series that hit Philippine TV.
*Ang pag-ibig ay sadyang ganyan.. Tiwala sa isa't isa'y kailangan.. Dati mong pag-ibig wala akong pakialam.. Basta't mahal kita kailanpaman....
Isang Gabi*
Thursday, March 27, 2008
Isang gabi. Isang gabing hindi ko malilimutan. Umaambon pero wala kong pakialam. Kahit pagod ako sa trabaho, kahit alam kong pwede akong magkasakit kinabukasan. Syet, pang-asar ang background music habang sinusulat ko 'to. Argh. Ayoko na.
Sa mga kaibigang nakaalam sa sikretong ginawa ko noong gabing iyon: Babit, Ayen, Pebi at Pido, sabayan nyo ko tumawa. Ahahaha. At umiyak na din. :(
*Ang gabing ito ay gabi ng katangahan, kalokohan, at pagkagusto. Hahaha. Tama na ito. Kalimutan ang nakaraan. Hehehe.
Luuuurrrve
Wednesday, March 26, 2008
Kaasar. Napasagot ako bigla dito. Haha.
YOU OPENED IT... NOW YOU HAVE TO DO IT OR YOU'LL NEVER BE WITH THE PERSON YOU
LOVE... BE HONEST... DON'T CHICKEN OUT...
1) Single, Taken, Naked, or Flirt?
Single. And flirt (?) haha. no. Ii’m not flirting with anyone naman. So single lang.
2) Are you happy with that?
nope. ewan. Baka ganito ang pakiramdam ng lupang tigang? Omg, hindi. Hahaha.
3 ) Would you still kiss your ex?
nope. Ay ewan ko. Haha. walang malisya siguro. Hehe.
4 ) Have you ever had your heart broken?
Sadly, yes.
5 ) Do you believe that there are certain circumstances where cheating is ok?
Yes? Haha. I think so, especially when you like the third wheel more. Haha.
7) Have you ever talked about marriage?
Oo naman. Kasal ng iba-ibang tao. Hehe.
8) Do you want children?
yeah. Pero kasi never ako nawalan ng batang inaalagaan. Andami ko kasing pamangkin!
9 ) How Many?
kahit ilan!
11) If someone liked you right now, would you want them to tell you?
oo. Kasi baka like ko din sya. Ahehe.
12 ) Do you want someone you can't have?
oo. and it sucks, big time!
13 ) Have you ever been in love?
Ahem. Oo ata. Seriously, define love. Argh. Haha.
14) Do you believe in celebrating anniversaries?
oo naman. Kailangan ng ganyan.
15) Do you believe that you can change for someone?
oo. if that someone will stay with me for the rest of my life. Define forever.
16) Is it a good day?
Tama lang. ay medyo espesyal pala kasi I just told my boss I’m quitting my job. Happiness. J
17) What would you say about your most recent ex?
hi?
18 ) Does your ex still have feelings for you?
dunno. Wala na ata.
19 ) Do you believe in long distance relationships?
yeah. Habang andiyan ang pag-ibig. Sabi nga sa kanta, love always finds a way. ^_^
55 days to go
Tuesday, March 25, 2008
can't wait.
gusto ko ngayon ifast forward ang oras.
may 20, bilisan mo!
the countdown begins....
Boob-tube Booboos
Thursday, March 13, 2008
Boob-tube booboos from peyups.com
Alang magawa. Paumahin sa lahat ng members na nagshare nito. Share ko din sa iba ang happiness. Hehehe. Tawa lang ako nang tawa.
sa itaktak mo sa eat bulaga
Q: anong "B" ang color ng martial arts belt bukod sa black and blue?
A: Bayolet ha ha ha
sa eat bulaga
Q:anong C ang kelangan mo bago magsimula ng business?
A:Carpintero
may sense nga naman!
Hahaha eto pa isa, sa eat bulaga rin:
Host: Anong "I" ang Ingles sa 'hindi nakikita'? (or something to this effect)
Contestant: "I do not see!"
Why not! Hahahaha. Jusme.
sa eat bulaga...
joey: anong "a" sa inggles ang tawag sa pampaganang ihinahain bago kumain, katulad ng soup?
contestant: almusal!
vic: e pano kung tanghali na gumising?
contestant: ah, eh, apunan!
Question: Kung ang whistle ay pito, ano naman ang whisper??
Contestant 1 (with all the enthusiasm): MODESS!
Syempre tawa mga hosts. Ulit ang tanong:
Question: Kung ang whistle ay pito, ano naman ang whisper??
Contestant 2 (siguradong-sigurado na): NAPKIN!!!
sa eat bulaga
vic: anong s ang tawag sa doctor na nagoopera?
contestant: sadista!
sa wowowee kaninang tanghali (narinig ko lang kase nasa likod ako ng tv kaharap ang pc):
Valerie: Kung ang pretty ay maganda, ano naman ang prettier?
Contestant: Magandang taon!
eto may napanood ako...
"Beauty is in the EYE OF THE TIGER!' o di ba panalo?
Goodbye Celine :(
Celine is gone. My TV viewing nights will never be the same again. I'll miss Celine. Syet. Nalulungkot pa din ako. Wala na si Celine. Celine..... :huhuhu:
everything i know of love...
i know because of you.
there is no stopping the future....
i just want our love story to come full circle..
i want it to end where i started loving you.
maybe to remind us that it was a good life.
and the love.. our love..
it was the best..
Para Kay Mang Pepe*
Friday, March 07, 2008
Nasa elementarya ako nang una kitang makilala. Kumpare ka ng tatay at kasamahan sa trabahong pinapasukan. Iisa lamang tayo ng barangay na tinitirhan kaya naman halos araw-araw kitang nakikita at pati na din ang mga anak mong babae na halos kapareho ko lang ng edad.
Palagay ang loob ko sa'yo sa dahilang isa ka sa pinakamatalik na kaibigan ng tatay ko. Nakita ko kung paano kayo nagdamayan ng tatay nang matapos ang kontrata nyo sa trabaho, ang mga araw na nag-uusap kayo kung paano itataguyod ang kanya-kanya niyong pamilya. Saksi ako sa pagkakaibigang dumaan sa hindi mga birong pagsubok. Sa inyong dalawa ng tatay, batid kong naging mas mahirap sa'yo ang mga sumunod na araw.
Nagdaan ang ilang taon. Hindi maitatago ang kahirapang iyong pinagdadaanan. Malaki ang ibinagsak ng katawan mo, mga matang nawalan ng sigla at balat na sinunog ng araw. Araw-araw kitang nakikita sa labasan habang nag-aabang ng mga pasahero ng pedicab na iyong nirerentahan. Naging ritwal na ang pagtanong mo sa akin kung papasok na ako at sa tuwing ako ay sasakay, pinipilit mong wag tanggapin ang bayad ko at sinasabing bawi na lang ako pag nagkatrabaho na ako. Hindi ako pumapayag dahil batid kong bawat isang pasaherong maihahatid mo ay makakatulong para mairaos nyo ng pamilya mo ang isang buong araw, pero kadalasan hindi mo talaga tinatanggap ang bayad ko.
Nasa kolehiyo na ako nang malaman ko mula sa ate ko na hindi lang pala simpleng pinansyal na problema ang pinagdadaanan ng pamilya mo. Iniwan ka ng iyong asawa, kayo ng mga anak mo sa dahilang wala kang matinong trabaho. Noon ko lubos na naunawaan ang bawat linyang mababakas sa iyong mukha, at ang palagia'y pagtingin sa kawalan. Ilang araw pa ang lumipas mula nang malaman ko ito, nasalubong ko ang iyong panganay na matagal ko na ding hindi nakikita sa ating lugar. Nang huli ko siyang makita ay naka-unipormeng para sa nursing student, ngunit ngayo'y nakadaster at nagdadalang-tao. Tila kinurot ang puso ko sa larawang iyon, at nais ko noong puntahan ka para maipadama sa'yong may kadamay ka sa mga pinagdadaanan mo.
Marami-rami ding araw na dumadalaw ka sa bahay, nakikipagkwentuhan kay tatay at nanay, at sa mga pagkakataong ito, napatunayan ko ang tatag ng inyong samahan. Nais kitang pasalamatan dahil alam kong lagi ka ding nariyan para sa tatay. At nais kong malaman mo na sa likod ng bawat pagsubok na iyong pagdadaanan ay nasa likod mo kami. Mahal na mahal ka nang buong pamilya.
Kaninang umaga ay nakita kita at tulad nang dati ay tinanong mo ako kung papasok na ko. Tango lamang ang naisagot ko sa iyo. Naalala ko kasi ang sinabi mo noon na bawi na lang ako kapag may trabaho na ako. Naisip kong hanggang ngayon pala, di ko pa natutumbasan ang mga libreng sakay na bigay mo. Sa susunod na matyempuhan ko ang pedicab mo, magbibigay ako ng tip na hinding-hindi ko babawiin at sisingilin habambuhay, ang pangakong hinding-hindi ka mag-iisa. Kumpare na din kita. ^_^
*Saludo ako sa inyo. Tagay po tayo minsan.
Celine, Don't Die!
Maging Sino Ka Man's teaser last night and the other night got me soooooo much affected. Is Celine dying? Noooo!!!!! It's T(oo)-M(uch)-T(o)-H(andle)!! After seeing the teaser of probably the best series in Philippine TV history, I couldn't help but scream Celine 's name! She can't die! Celine, don't die! Celine! Celine! Nooooo!! Earlier that night, there was this video asking some viewers what will they feel if Celine dies, and then there was this line "ang eksena/pangyayaring pag-uusapan ng bayan", something like that. No way Celine's dying! No no no!
Celine was in my dreams. I don't want her to die. I heart her. I know she is not real, but argh, Celine is love!
Don't die Celine! Please don't die.... :huhuhu:
How to Heal a Broken Heart*
Thursday, March 06, 2008
*Bigla na lang ako nagsesearch ng mga ganito sa internet. Napagod ako. Ang hahaba. *nosebleed* Pero mukhang makakatulong sya. So ayan, sa mga may sakit sa puso, try nyo isabuhay. Haha. Di porke pinost ko 'to, ano ha! Ano ha! Weh!
TIPS
1. Do not go on any dates with the person from whom you are trying to heal. This is not productive and will not lead to healing. There is no more closure. There is only healing.
-Oh…. Ok ok. No more closure? Eee.. Sabagay. Healing is the what I want, healing is what you give me.
2. When trying to heal do not accept phone calls and exchange flirty emails with the former object of your desire. This is also not productive and will only prolong the healing process.
-Ok fine. Madali lang ‘to. I don’t think I’ll receive phone calls or e-mails naman.
3. You are not healing from the broken heart your sweetie caused, to become more attractive to that person or to win that person back. When you catch yourself in this thought process, eat ice cream. (Note: Ice cream can be substituted for long walks or long swims or rough games of squash or R-ball) but in no way is anything you are doing targeted to get that person back. There is no getting back. The point is to get forward.
-So I’ll buy a drum of ice cream tonight, another drum tomorrow. Hehe.
4. Tell your friends once about your heartbreaking loss. If you cannot confine the discussion with your friends to one instance, confine the time spent discussing the gory details to no more than 1 hour actual time. You will need your friends later, so best to not wear out your welcome with them.
-Friends, listen, this is the story. Hehe. I am actually trying not to tell it to friends, but because of this tip, ok fine, storytelling na ito.
5. Do not eat too much, drink too much or do drugs to get over your broken heart, unless of course that is how you always act, in which case it is important to remember that a lot of things change in 2 years. If you can change your ideal of self-honesty and acceptance in those next two years for the better, then you will have better odds of finding someone who will want what you want at the same time as you want it. It's all about timing really.
-What kind of drugs ba? Kailangan ko talaga to? My gawd. Don’t eat too much? So puro ice cream lang ganyan? Drink too much? Ok guys, inuman na ‘to!!!!
WARNING!
1. If you are feeling depressed or suicidal, talk to your doctor immediately!
-Magastos naman. Ok, bawal ang suicide. Ahaha. Nu ba, di ko yun gagawin.
2.If you do not recover in 2 years time, and it still hurts really bad, try moving towns.
-First on my list, Fiji! Hehe. Honestly, naisip ko na ‘to. Haha. Let’s see.
3. Smart people who are psychologists will say, everyone heals at their own pace. The bruised and wounded heart makes one a more compassionate human, and it is that self-compassion which if nurtured will allow you to heal.
-Napatambling naman ako dun sa smart people who are psychologists! Compassionate naman ako, so ibig ba sabihin madali na ang healing? I wish I wish!
Anne for Freeway
Tuesday, March 04, 2008
Anne Curtis for Freeway Summerwear Ad