<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Weekend Woots

Monday, March 31, 2008

I stayed at home during the weekend. All my pamangkins were there, at

sobrang maingay sa bahay. Gimik sana ko Saturday night pero tinatamad talaga ko. I rejected all invitations, kahit uber gusto ko din magliwaliw. Pero mahirap kalaban ang katamaran. Just wanna share some crazy stuff, mostly kagagawan ng mga pamangkin ko. Sana lumaki naman silang matitino.



#####



There'll be a rerun of Marina. My pamangkins, after seeing the trailer, started to lie down the floor and covered their legs with blankets and towels. Argh. Malalanding kabataan. Marina fever is back!



#####



Iba ang epekto sa pamilya ko ng panunuod ng tv. We were watching PBB Teen Edition Plus and there was Priscilla, crying and telling Rona that she wanted to go home. Lip reading si Priscilla to understand her housemates kasi nga deaf sya. Aba, ang mga pamangkin ko maya-maya nagpapractice ng lip reading! Lerkeeeeey. Oh well, out of boredom, anubah, naki-join ako. Hehehe.



#####



Marathon ako ng Desperate Housewives and Sex and the City. Share ko lang ang line ni Samantha ng SATC.



"Money is power. Sex is power. Therefore, getting money for sex is simply an exchange of power." Why not? Bili po kayo ng laman.... bili po kayo ng power.... Lerkey.



#####



Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. My three-year old niece is so kikay. Last Saturday, she was wearing this bandana (or turban?), at naka-jelly shoes at maya-maya'y nagpalit ng may heels. I told her, "anlandi mo!" Eto ang sagot nya. "Ako si Celine.." Sabay tumalikod na ini-exag ang pagkembot nya. Naiwan akong windang. :headscratch:



#####



Still on my kikay pamangkin. Late na ko nagising at pagkababa ko, sinalubong nya ako with matching "Tito, kiss". Sa isip ko, "wow, answeet ng pamankin ko.." After the kiss, “Pengeng pera.”, with paglalahad ng palad. “Wala kong pera o.” Kinakapa ko pa ang bulsa ko. Si pamangkin, ang sagot. "Dun sa bag mo." Napalunok na lang ako. Kakalerkeey sya. Ako naman ang Tito na hindi makatiis sa mga pamangkin. Umakyat ako at kinuha ang aking bag. Pagbaba ko at akmang dudukot ng barya, nagdialogue ang aking pamangkin, "yung dilaw, marami." "Huwaaaat????!"

6:20 AM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

Jayson :: permalink