Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.
On Idol
Friday, April 18, 2008
Idol never fails to give so much entertainment, well sa akin. Each season has something unique to offer. The seventh installment of the show, I do believe despite early criticisms, pambabash and all, is one of the best and most interesting seasons of idol. Season 5 still tops my list.
Here are some thoughts on the show and the finalists.
Best performance?
So far, David Cook holds the best performance of the season award with his rendition of Billie Jean. It wasn’t original but was truly phenomenal. It gave him the chance to get into the final two with David Archuleta. However, his performance during the Mariah week was overrated. It wasn’t really that great. Different yes, original yes, good enough yes, but a winning performance? I don’t think so. But I must say, he is the most consistent finalist, and if things won’t change, I mean with all the hype on his performances, he won’t lose his ticket to the finale. Ooops, one thing will take that ticket away from him, mayabang ang dating nya.
Who’s the dark horse?
Definitely, Jason Castro is this season’s dark horse. Tatahi-tahimik
pero nagkakaroon ng impact sa audience. I agree with Paula, he’s very defintive, and he sticks to his style throughout the competition. Another thing, his type of music has a solid audience. Some people may not appreciate his style, pero yung mga nakakaappreciate, I’m one of them, loyal sila so they’ll continue to support Jason. Isang sablay at forgettable performance ni David Cook at magandang performance ni Castro, maaagaw niya ang slot sa final two.
Now the season’s underdog
Naman. No debate ito. Si Syesha Mercado and underdog. She consistently delivers very good performances, but is always compared with the original singers of the songs she picks. The judges, except for Paula coz she really appreciates Syesha’s performances should atleast give her credit for attempting to make these songs her own. Feeling ko successful naman sya e. Her version of Beatle’s Yesterday is soooo underrated. It was one of the most heartfelt moments this season. Pero yung comments ng judges kulang na kulang. And America listens to the judges most of the time, especially to Mr. Cowell.
Potentially great but picks wrong songs
I’m referring to Carly Smithson, the Irish girl who gave so much impact at the start of the competition. I didn’y like her at first, pero love ko na sya ngayon. I agree with Simon, she’s potentially great, but there’s lacking in all her performances. Maybe it’s the song choices. Oh yeah, she picks the wrong songs. But I still believe in her. Ang ganda ng boses nya sa studio versions ng songs nya. I actually want to see her in the finale with Archuleta.
Fading slowly
Brooke White was my early bet. After her Let It Be performance, minahal ko na sya. Brooke with her piano, amazing! Kaya lang, medyo limited talaga ang kakayahan ni Brooke vocally, so limited din ang songs na pwedeng kantahin lalo pa at may particular theme each week. However, picking songs that perfectly suit her voice and style, and please please please perform with the piano, Brooke can get further. But I don’t think she’ll win.
Guaranteed ticket to the finale goes to..
David Archuleta!
Overrated contestants, many times were voted out of the competition, but not David Archuleta. He’ll sail all the way through the finale. Kahit makalimutan nya ata ang isang stanza ng kanta, di sya matatanggal. His charisma, vocal prowess, and humahumble na attitude make him the frontrunner of the show. Kahit ano pa sabihin ng detractors at kahit overrated sya, hindi sya mapapabagsak. I can now hear him singing the new idol song with all these backup singers wearing blue cloth. Anong tawag dun? And the confetti?? Hmm…. Hindi ko pa masyado nakikita, pero malaki ang posibilidad.
Who’s next to go?
Not the Davids.
Parang kinain lang ng kumunoy
Monday, April 14, 2008
Sya ata yung designer. Kakarimarim. Hahaha.
Jayson Young?
My name is Jayson, 21 (turning 22), bahagi ng labor force, employed, nasa hustong gulang, nakatapos ng pag-aaral, marami na po akong alam sa buhay.
Kaasar lang. Ginagawa ko naman ang lahat just to look my age. Para ka
lang bata. Narinig ko na to nang mga isandaan at limang libong beses, at pag paulit-ulit, parang hello, tama na kaseeeeee!
Eksena No. 1
Kahapon lang. May nakasabay akong ale sa elevator. Nagsmile sya sakin. Matamis naman ang pagbati ko. Paano ba ilarawan yung pag tumataas yung kilay tas pinapupungay yung matang pagbati? Basta ganun. Lol.
Ale: Nagtatrabaho ka na? (May pagtataka si ate..)
Me: Yes mam.
Ale: Ang bata mo naman.
Me: Uhmmm.. (May pagtango ako)
Then bumukas ang elevator at bababa na sya
Ale: Nakialam pa e no? (sa buhay ko!)
Me: Ok lang po. Ingat. (Hehe. Salamat at napasaya mo ang araw ko.)
Eksena No. 2
Sa Salon
Parlorista: Anong gupit?
Me: Hindi ko nga alam e. Graduation ko tomorrow.
Parlorista: A talaga? Anong course kukunin mo?
Me: Eeeee.. College graduation yun.. (Sobra kasi yung napagdaanan ko na ang pagpili ng kurso sa kolehiyo!)
Eksena No. 3
Commissioner’s Office, Bureau of Immigration
Me: Good morning mam. I'm looking for Ms. Chenelyn.
Miss: Papers mo? (Walang pakundangan ang pagtatanong)
Me: Ano pong papers? I'm from Chorvee Aheebee.
Miss: Ay sorry. Akala ko DOST scholar ka. Mukha ka kasing totoy.
Me: (NR)
Eksena No. 4
Isang matandang Koreano ang dinala sa opisina. Medyo may problem na sya sa pag-iisip at galit sya.
Me: Sir, do you know the exact address?
Korean: (Hand gesture na parang no deal! No deal!) live here eighteen years!
Me: (iaabot ko ang address) Sir, give this to the driver..
Korean: I don't need you! You're baby! Baby! You’re baby! Three years!
Me: (Ay.. *windang mode*)
Minsan masaya naman. Pero minsan talaga nakakaasar na. Kailangan ko ba ng steroids ganyan? Iinom ba ko ng isang drum ng protein whey ganyan? Nagpapabalbas na nga ko, nasabihan pa kong hindi bagay! Lerkey yung di naappreciate ang effort ko! Lol. Hintayin na lang nila ang araw. Babangon ako’t magpapalaki ng katawan! Joke lang. Natakot ako bigla. Hehe. ^_^
Weekend Woots: Sino Si Rey Kapayapaan?
So ayun, may weekend kwento na naman ako. not sure kung magiging regular ang pagbablog kong ito, pero enjoy sya gawin. sana nag-eenjoy din kayo. lerkeeeeeey.
#####
I know you love me. XOXO, Gossip Girl
'Yan ang line of the weekend. Gossip Girl marathon. I'm liking the series na. Serena is love.
#####
Phenomenal ang Hip Hop Abs DVD so bumili din ako. Wahahahahaha. Amsori pero triny ko sya nang Saturday night. Lol. Gabi talaga. Nakakapawis pala. Hahahaha.
#####
Naghohoard ako ng dvds pag weekend. Yung binili kong hip hop abs ay collection, may kasali pa syang bump and burn ni anne curtis at luis manzano. Sa cover ng dvd ay nandun si anne, nakabikini, at si luis na nakashorts lang, at yung mga sa hiphop abs na nakatopless at gym outfit.
Me to my sis: Uy bumili ko ng hiphop abs. try natin.
Singit si pamangkin: Ay ano yan?
Me: Hiphop abs. Baket?
Singit si isang pamangkin: Ay bastos yan e.
Me: Hindi 'to bastos no....
Pamangkin: Ok.... :rolleyes:
#####
Nagmamarathon ang mga pamangkin ko ng Shaider. Kahit anong pigil ang gawin ko, ayaw nila magpaawat so nakisali na lang ako. Grabe yung lumalabas pala talaga yung undies ni Annie. Hahaha. Isa sa mga kalaban dito ay laging laman ng panaginip ko nung maliit ako hanggang naghighschool. Lol. Sya yung babaeng may tali sa ulo. Ala lang. Share lang. Hehe. Hinihintay ng mga pamangkin kong walang muwang na dumami si Shaider, like sa mga sentai series (Bioman, Power Rangers, MaskMan,e tc.)
Me: Hindi yan dadami. Isa lang sya diyan. Parang Mask Rider Black.
Ayaw nila maniwala. Dadami daw. Bahala kayo. Angkulit nyo. Alam ko kasi yan!
#####
Not exactly nitong weekend pero Saturday morning ito with my pamangkin. She's 11 but she looks like 15. May ganito? Hehe.
Pamangkin: Tito, English-in mo nga "Ako si Rey Kapayapaan."
Me: Naku. Ayan ka na naman tigilan mo nga ko. (Medyo masungit-sungit ako. Hehe.)
Pamangkin: Sige na. Bilis. (may pagkatamis-tamis na ngiti)
I knew it was a joke, but I couldn't figure it out! Syet. Ang slow ko sa mga ganito. Ok fine. Isip isip isip. Inenglish ko na lang.
Me: I am Rey Peace.. (Walang kamuwang-muwang ko yang sinabi. Hehe.)
Pamangkin: Huh, ano?
Me: I am Rey Peace.. Omg!! Nakakaasar ka! Wah! Antanga ko! (Lerkey. Nakakabanas lang!)
Abril
Tuesday, April 01, 2008
I love April.
But I hate summer.
April 1
April Fool's
My month has just started.
Oh, does anyone remember Palabiro Society? Lol. Today is its 3rd year anniv. Ahaha.