<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Weekend Woots: Sino Si Rey Kapayapaan?

Monday, April 14, 2008
So ayun, may weekend kwento na naman ako. not sure kung magiging regular ang pagbablog kong ito, pero enjoy sya gawin. sana nag-eenjoy din kayo. lerkeeeeeey.

#####

I know you love me. XOXO, Gossip Girl

'Yan ang line of the weekend. Gossip Girl marathon. I'm liking the series na. Serena is love.

#####

Phenomenal ang Hip Hop Abs DVD so bumili din ako. Wahahahahaha. Amsori pero triny ko sya nang Saturday night. Lol. Gabi talaga. Nakakapawis pala. Hahahaha.

#####

Naghohoard ako ng dvds pag weekend. Yung binili kong hip hop abs ay collection, may kasali pa syang bump and burn ni anne curtis at luis manzano. Sa cover ng dvd ay nandun si anne, nakabikini, at si luis na nakashorts lang, at yung mga sa hiphop abs na nakatopless at gym outfit.

Me to my sis: Uy bumili ko ng hiphop abs. try natin.

Singit si pamangkin: Ay ano yan?
Me: Hiphop abs. Baket?

Singit si isang pamangkin: Ay bastos yan e.
Me: Hindi 'to bastos no....
Pamangkin: Ok.... :rolleyes:

#####

Nagmamarathon ang mga pamangkin ko ng Shaider. Kahit anong pigil ang gawin ko, ayaw nila magpaawat so nakisali na lang ako. Grabe yung lumalabas pala talaga yung undies ni Annie. Hahaha. Isa sa mga kalaban dito ay laging laman ng panaginip ko nung maliit ako hanggang naghighschool. Lol. Sya yung babaeng may tali sa ulo. Ala lang. Share lang. Hehe. Hinihintay ng mga pamangkin kong walang muwang na dumami si Shaider, like sa mga sentai series (Bioman, Power Rangers, MaskMan,e tc.)

Me: Hindi yan dadami. Isa lang sya diyan. Parang Mask Rider Black.

Ayaw nila maniwala. Dadami daw. Bahala kayo. Angkulit nyo. Alam ko kasi yan!

#####

Not exactly nitong weekend pero Saturday morning ito with my pamangkin. She's 11 but she looks like 15. May ganito? Hehe.

Pamangkin: Tito, English-in mo nga "Ako si Rey Kapayapaan."
Me: Naku. Ayan ka na naman tigilan mo nga ko. (Medyo masungit-sungit ako. Hehe.)
Pamangkin: Sige na. Bilis. (may pagkatamis-tamis na ngiti)

I knew it was a joke, but I couldn't figure it out! Syet. Ang slow ko sa mga ganito. Ok fine. Isip isip isip. Inenglish ko na lang.

Me: I am Rey Peace.. (Walang kamuwang-muwang ko yang sinabi. Hehe.)
Pamangkin: Huh, ano?
Me: I am Rey Peace.. Omg!! Nakakaasar ka! Wah! Antanga ko! (Lerkey. Nakakabanas lang!)
1:40 PM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

Jayson :: permalink