<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Jayson Young?

Monday, April 14, 2008
My name is Jayson, 21 (turning 22), bahagi ng labor force, employed, nasa hustong gulang, nakatapos ng pag-aaral, marami na po akong alam sa buhay.

Kaasar lang. Ginagawa ko naman ang lahat just to look my age. Para ka
lang bata. Narinig ko na to nang mga isandaan at limang libong beses, at pag paulit-ulit, parang hello, tama na kaseeeeee!

Eksena No. 1

Kahapon lang. May nakasabay akong ale sa elevator. Nagsmile sya sakin. Matamis naman ang pagbati ko. Paano ba ilarawan yung pag tumataas yung kilay tas pinapupungay yung matang pagbati? Basta ganun. Lol.

Ale: Nagtatrabaho ka na? (May pagtataka si ate..)
Me: Yes mam.
Ale: Ang bata mo naman.
Me: Uhmmm.. (May pagtango ako)

Then bumukas ang elevator at bababa na sya

Ale: Nakialam pa e no? (sa buhay ko!)
Me: Ok lang po. Ingat. (Hehe. Salamat at napasaya mo ang araw ko.)

Eksena No. 2

Sa Salon

Parlorista: Anong gupit?
Me: Hindi ko nga alam e. Graduation ko tomorrow.
Parlorista: A talaga? Anong course kukunin mo?
Me: Eeeee.. College graduation yun.. (Sobra kasi yung napagdaanan ko na ang pagpili ng kurso sa kolehiyo!)

Eksena No. 3

Commissioner’s Office, Bureau of Immigration

Me: Good morning mam. I'm looking for Ms. Chenelyn.
Miss: Papers mo? (Walang pakundangan ang pagtatanong)
Me: Ano pong papers? I'm from Chorvee Aheebee.
Miss: Ay sorry. Akala ko DOST scholar ka. Mukha ka kasing totoy.
Me: (NR)

Eksena No. 4

Isang matandang Koreano ang dinala sa opisina. Medyo may problem na sya sa pag-iisip at galit sya.

Me: Sir, do you know the exact address?
Korean: (Hand gesture na parang no deal! No deal!) live here eighteen years!
Me: (iaabot ko ang address) Sir, give this to the driver..
Korean: I don't need you! You're baby! Baby! You’re baby! Three years!
Me: (Ay.. *windang mode*)

Minsan masaya naman. Pero minsan talaga nakakaasar na. Kailangan ko ba ng steroids ganyan? Iinom ba ko ng isang drum ng protein whey ganyan? Nagpapabalbas na nga ko, nasabihan pa kong hindi bagay! Lerkey yung di naappreciate ang effort ko! Lol. Hintayin na lang nila ang araw. Babangon ako’t magpapalaki ng katawan! Joke lang. Natakot ako bigla. Hehe. ^_^
1:42 PM :: ::
2 Comments:
  • haha. you're baby! hahaha :x cool.

    By Anonymous Anonymous, at 6:05 PM  
  • hahaha. tnx for the visit. ^_^

    By Anonymous Anonymous, at 10:28 PM  
Post a Comment
<< Home

Jayson :: permalink