<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Ang Alamat ng Lamok*

Thursday, February 28, 2008
While waiting for a friend at Powerbooks-Trinoma, I came across this children's book called Ang Alamat ng Lamok. So may alamat ang lamok? I got interested. Not surprisingly, since I love story books for kiddies, I enjoyed it! Now I know where to get stories for my pamangkins, aside from squeezing my creative juices just to have the most wholesome stories on earth! It is not an easy job, I am telling you! But I love it when my stories, whether original or not, serve as their tranquilizer, their sleeping pill!

One favorite is the story that I got from watching Heidi, the Japanese animated series in ABS-CBN, about a kid who makes fun of people by screaming for help because a wolf is about to attack her, which is not true!!!! One night (story-telling na 'to!) a real wolf comes, the kid shouts for help, but her neighbors are so tired of her playful attitude, so no one comes out to see her. The wolf eats her. Tragic ending, ayt? Another favorite is (kapit ka) Ang Alamat ng Pinya.
Hehe. Anyway, I want to share this Ang Alamat ng Lamok, (not the exact scenes from the book ha. Yung natandaan ko lang at may konting changes, hehe.), learn the lessons and be a better person. (Tambling!)

#########


Noong unang panahon, isang bayan ang sagana sa magagandang tanawin, mayamang karagatan at matatabang lupain. Ito ang Bayan ng Tungaw. Sa kabila ng angking ganda at yaman nito, ang mga tao rito ay marumi sa paligid at hindi inaalagaang mabuti ang kanilang lugar. Bihira sila maglaba ng kanilang mga damit at maglinis ng mga kasangkapan. Ordinaryo na makikita sa kanilang bayan ang mga tambak na basura at maduduming gamit.

Isang misteryo ang nabuo sa bayan ng Tungaw nang mapansin ng mga tao dito na marami sa mga taga Tungaw ang nawawala. Isang araw, isang higanteng putakti ang sumugod sa Tungaw at kitang-kita ng mga tao kung paano nilamon ng higanteng putakti ang kanilang mga kababayan. Umalis na ang higanteng putakti at iniwan ang mga taga Tungaw na takot na takot.

Pinulong ng pinuno ng Tungaw ang mga tao at nagplano kung paano nila magagapi ang higanteng putakti na ang pangalan pala ay Amok (Ayan na, may alamat na!), ang hari ng mga putakti. Naghanda sila ng mga armas. Dumating ang araw at sumugod ulit si Amok. Pinagpapana at pinagbabato ng mga tao si Amok ngunit hindi ito namamatay. "Masarap ang mga dumi! Gusto ko ang mga basura! Ang mga germs! Ang mga bacteria! Ansarap-sarap talaga! Ansarap sarap nyo!", sigaw ng higanteng Putakti. "Walanghiya ka Amok! Magbabayad ka! Sinira mo ang magandang buhay naming mga taga Tungaw!", sigaw ng isang babae. "Sinira? Ikaw, kayo!" dinuro sila ni Amok. "Kayo ang sumisira sa mga buhay nyo! Matapos ng lahat ng ibinigay sa inyo, ganito pa ang igaganti nyo. Mga baboy! Mga baboy!", panghuhusga ni Amok. "Hindi kami baboy! Oo, inaamin ko, hindi naging maayos ang aming naging ugali, naging marumi kami, pero kung ang Diyos marunong magpatawad, ikaw pa kaya, putakti ka lang, putakti ka lang!", sigaw ng pinuno. Tumaas ang kilay ni Amok at mataray na sumigaw, "Oo nga putakti ako, putakti lang ako! Pero san ka nakakita ng putakting nakakakain ng tao?! Si Amok lang! Ako lang!" "Hindi kami makakapayag sa ginagawa mo! Magsisisi ka! Pagbabayaran mo ang lahat! Ang lahat-lahat!" Napaluhod ang pinuno habang umiiyak. "Huli na ang lahat. Excuse me, pagod ako." sabay lipad ni Amok.

"Wala sa dibdib ang puso ng higanteng putakti." Ito ang naisip ng mga tao nang matantong hindi namamatay o nanghihina man lang si Amok kahit panain nila ito sa dibdib. . Kailangang malaman nila kung nasaan ang puso ni Amok. Habang hindi pa nila nalalaman, nagpasya muna ang mga taga Tungaw na lumipat ng lugar. Sa kanilang paglipat, nagsimula sila maging malinis sa paligid at sa kanilang mga sarili.

Bumalik ang pinuno ng Tungaw sa kanilang bayan dala ang isang plano. Di nagtagal ay dumating si Amok at nilasap ang natitira pang mga dumi sa Tungaw. Nang matapos ito at naramdaman ng pinuno na paalis na, sinundan nya ito. Pumunta ito sa isang kweba. Nawala sa paningin niya si Amok ngunit nakita niya ang mas maliit na higanteng putakti at nakita nya ding binabantayan nito ang mga nawawala at nilamong taga Tungaw. Marunong na maglinis ang mga ito. Sinugod ng pinuno ang prinsipeng putakti. Nagmakaawa ang prinsipeng putakti na wag sya patayin at pakakawalan nya ang mga tao. "Kailangan kong malaman kung nasaan ang puso ni Amok!", galit na sigaw ng pinuno. "Hindi ko pwedeng sabihin..", sagot ng prinsipe na takut na takot pa din. Akmang papanain na sya ng pinuno nang biglang, "O sige na nga sasabihin ko na! Nasa ilong ang puso nya! Kaya gusting-gusto nya ang amoy nyo dahil nasa ilong ang puso nya!"

Tinali ng pinuno ang prinsipe at dumating din si Amok. Agad nya itong pinana sa ilong at bigla itong nanghina. Tinali nya din ito. Nag-usap usap ang mga taga-Tungaw kung anong dapat gawin sa dalawa. Nagpasya silang sunugin ito. Bago mawalan ng hininga si Amok, nagsalita ito, "kahit patayin nyo pa ako, babalik at babalik ako. Isinusumpa ko.... Hindi ko kayo tatantanan.." At namatay na nga sya at pati ang prinsipe. Itinapon nila ang abo sa ilog.

Muling nanirahan ang mga taga-Tungaw sa kanilang bayan at natuto na talaga silang maglinis. Ngunit isang araw, nagulat sila sa malilit na insektong nagliparan galing sa ilog at sumisipsip ng dugo. Naalala nila si Amok at ang mga sinabi nito. Hindi sila nito tatantanan. Lumipas ang mga araw at ang mga insektong ito ay tinawag na lamok sa alaala ni Amok na kailanma’y di malilimutan ng mga taga Tungaw dahil ito ang nagturo sa kanilang maging malinis.

*Mas bagay sana kung Ang Alamat ng Langaw tas ang pangalan ng higanteng putakti Angaw. Paumanhin kay Mark Lapid, at sa Apoy sa Dibdib ng Samar

3:26 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Happy Birthday Pebi!!!!!!

Friday, February 22, 2008

Aylabyu aylabyu aylabyu!

3:29 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


JB Loves Celine, Celine Loves JB

Thursday, February 21, 2008
This is one of the most romantic, dramatic, powerful, beautiful moments in the history of Philippine TV. Syet. Ibang level sila JB at Celine. They really deserve recognitions for their scenes. Iniba nila ang pagtingin sa love story na kadalasan na nating napapanuod. mahusay! salamat sa maging sino ka man. mabuhay sila jb at celine!

bale, dalawang part diyan ang kay jb at celine. yung umpisa at yung dulo. enjoy!

at oo! fan ako!

9:04 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Things That I Badly Miss

Wednesday, February 20, 2008

Open tambayan- I’m sorry pero suki kami dito

My black undies- two months na syang nawawala, at naiinis ako. Peyborit ko yun e!

My guitar- the emo-guitar nights. Syet.

Stalking my crush

Org tambay days

Cramming for an exam- wah! The bahala na days

Making my hate list- their names, the day that I hated them and the reasons why. Karamihan students na tanong nang tanong e time na!

Sleeping inside the main library- doon sa may giant electric fan

Siomai outside the library- with carol and tonet tuwing hapon

Coffee outside the library- with tin

My big big big school bag- na tinatawag nilang basurahan at gubat

My old 3310 phone

Kamia residence hall- pagsigaw sa bintana ng room ng friends

Zen and Tonet’s boarding house

My old PC- where I used to watch “art films”

My old room- where I used to practice what I learned from those “art films”. O joke lang!

Eating Zebzeb and Pompoms

Math Building

Karaoke days

Wah! I miss the old days. L

6:09 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Sa Aking Kaibigan ng Taon*

Tuesday, February 19, 2008
Ikaw ang kasama ko sa panahong nagdesisyon akong harapin ang mga bagay na noon ko pa dapat hinarap. Hindi biro ang mga kinailangan kong pagdaanang pagbabago, pero naging mas madali ang lahat dahil hindi mo ako binitawan. Ngayong ikaw naman ang nakakaramdam ng kalungkutan, nais kong sabihin sa'yo na hindi kita pababayaan.

Nais kong maging mas malakas ka, kung paanong pinalakas mo ang loob ko sa maraming pagkakataong nagtatampo ako sa buhay. Ikaw ang nagturo sa akin ng kahulugan ng salitang paghihintay, na hindi minamadali ang mga bagay-bagay at ang lahat ay darating sa tamang oras. Kung wala ka sa buhay ko, hindi ko alam kung paano ko sisimulang ikwento ang araw na sinabi ko sa sarili kong kaya ko na.

Ikaw ang naging sumbungan ko, naging opisyal na tagapayo, at kakwentuahn sa mga istorya ng pagkasawi, pagwawagi, pagkakasala, pagtataksil, kapilyuhan, mga kwentong romantiko, at ng mga pinakajologs na kwento sa mundo. Pero sa dami ng ating mga napag-usapan, hindi pa din akong magsasawang magbahagi at makinig sa'yo.

Sinabi mong hindi mo alam kung paano ka magiging masaya sa mga panahong ito. Matagal ko nang pinag-isipang lumikha ng isang artikulo para sa’yo ngunit sa twina’y hindi ko nabubuo. Ito na marahil ang tamang panahon. Sana ay mabigyan kita ng dahilan para maging masaya. Hindi ka dapat maging malungkot. Marami kang napapasaya at isa na ako doon. Ang alay mong pakikipagkaibigan ay isang dahilan para mahalin ka ng maraming tao. Ngiti ka na. Hindi ka kailanman mag-iisa. *Isang mahigpit na mahigpit na yakap*

*bawal ang malungkot!
10:57 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


I Heart Anne

Tuesday, February 12, 2008
looks like this is becoming a fansite of ms. anne. i heart her soooo much....




3:38 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Celine is Love

9:47 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink