Ang Alamat ng Lamok*
Thursday, February 28, 2008
While waiting for a friend at Powerbooks-Trinoma, I came across this children's book called Ang Alamat ng Lamok. So may alamat ang lamok? I got interested. Not surprisingly, since I love story books for kiddies, I enjoyed it! Now I know where to get stories for my pamangkins, aside from squeezing my creative juices just to have the most wholesome stories on earth! It is not an easy job, I am telling you! But I love it when my stories, whether original or not, serve as their tranquilizer, their sleeping pill!One favorite is the story that I got from watching Heidi, the Japanese animated series in ABS-CBN, about a kid who makes fun of people by screaming for help because a wolf is about to attack her, which is not true!!!! One night (story-telling na 'to!) a real wolf comes, the kid shouts for help, but her neighbors are so tired of her playful attitude, so no one comes out to see her. The wolf eats her. Tragic ending, ayt? Another favorite is (kapit ka) Ang Alamat ng Pinya. Hehe. Anyway, I want to share this Ang Alamat ng Lamok, (not the exact scenes from the book ha. Yung natandaan ko lang at may konting changes, hehe.), learn the lessons and be a better person. (Tambling!)
#########
Noong unang panahon, isang bayan ang sagana sa magagandang tanawin, mayamang karagatan at matatabang lupain. Ito ang Bayan ng Tungaw. Sa kabila ng angking ganda at yaman nito, ang mga tao rito ay marumi sa paligid at hindi inaalagaang mabuti ang kanilang lugar. Bihira sila maglaba ng kanilang mga damit at maglinis ng mga kasangkapan. Ordinaryo na makikita sa kanilang bayan ang mga tambak na basura at maduduming gamit.
Isang misteryo ang nabuo sa bayan ng Tungaw nang mapansin ng mga tao dito na marami sa mga taga Tungaw ang nawawala. Isang araw, isang higanteng putakti ang sumugod sa Tungaw at kitang-kita ng mga tao kung paano nilamon ng higanteng putakti ang kanilang mga kababayan. Umalis na ang higanteng putakti at iniwan ang mga taga Tungaw na takot na takot.
Pinulong ng pinuno ng Tungaw ang mga tao at nagplano kung paano nila magagapi ang higanteng putakti na ang pangalan pala ay Amok (Ayan na, may alamat na!), ang hari ng mga putakti. Naghanda sila ng mga armas. Dumating ang araw at sumugod ulit si Amok. Pinagpapana at pinagbabato ng mga tao si Amok ngunit hindi ito namamatay. "Masarap ang mga dumi! Gusto ko ang mga basura! Ang mga germs! Ang mga bacteria! Ansarap-sarap talaga! Ansarap sarap nyo!", sigaw ng higanteng Putakti. "Walanghiya ka Amok! Magbabayad ka! Sinira mo ang magandang buhay naming mga taga Tungaw!", sigaw ng isang babae. "Sinira? Ikaw, kayo!" dinuro sila ni Amok. "Kayo ang sumisira sa mga buhay nyo! Matapos ng lahat ng ibinigay sa inyo, ganito pa ang igaganti nyo. Mga baboy! Mga baboy!", panghuhusga ni Amok. "Hindi kami baboy! Oo, inaamin ko, hindi naging maayos ang aming naging ugali, naging marumi kami, pero kung ang Diyos marunong magpatawad, ikaw pa kaya, putakti ka lang, putakti ka lang!", sigaw ng pinuno. Tumaas ang kilay ni Amok at mataray na sumigaw, "Oo nga putakti ako, putakti lang ako! Pero san ka nakakita ng putakting nakakakain ng tao?! Si Amok lang! Ako lang!" "Hindi kami makakapayag sa ginagawa mo! Magsisisi ka! Pagbabayaran mo ang lahat! Ang lahat-lahat!" Napaluhod ang pinuno habang umiiyak. "Huli na ang lahat. Excuse me, pagod ako." sabay lipad ni Amok.
"Wala sa dibdib ang puso ng higanteng putakti." Ito ang naisip ng mga tao nang matantong hindi namamatay o nanghihina man lang si Amok kahit panain nila ito sa dibdib. . Kailangang malaman nila kung nasaan ang puso ni Amok. Habang hindi pa nila nalalaman, nagpasya muna ang mga taga Tungaw na lumipat ng lugar. Sa kanilang paglipat, nagsimula sila maging malinis sa paligid at sa kanilang mga sarili.
Bumalik ang pinuno ng Tungaw sa kanilang bayan dala ang isang plano. Di nagtagal ay dumating si Amok at nilasap ang natitira pang mga dumi sa Tungaw. Nang matapos ito at naramdaman ng pinuno na paalis na, sinundan nya ito. Pumunta ito sa isang kweba. Nawala sa paningin niya si Amok ngunit nakita niya ang mas maliit na higanteng putakti at nakita nya ding binabantayan nito ang mga nawawala at nilamong taga Tungaw. Marunong na maglinis ang mga ito. Sinugod ng pinuno ang prinsipeng putakti. Nagmakaawa ang prinsipeng putakti na wag sya patayin at pakakawalan nya ang mga tao. "Kailangan kong malaman kung nasaan ang puso ni Amok!", galit na sigaw ng pinuno. "Hindi ko pwedeng sabihin..", sagot ng prinsipe na takut na takot pa din. Akmang papanain na sya ng pinuno nang biglang, "O sige na nga sasabihin ko na! Nasa ilong ang puso nya! Kaya gusting-gusto nya ang amoy nyo dahil nasa ilong ang puso nya!"
Tinali ng pinuno ang prinsipe at dumating din si Amok. Agad nya itong pinana sa ilong at bigla itong nanghina. Tinali nya din ito. Nag-usap usap ang mga taga-Tungaw kung anong dapat gawin sa dalawa. Nagpasya silang sunugin ito. Bago mawalan ng hininga si Amok, nagsalita ito, "kahit patayin nyo pa ako, babalik at babalik ako. Isinusumpa ko.... Hindi ko kayo tatantanan.." At namatay na nga sya at pati ang prinsipe. Itinapon nila ang abo sa ilog.
Muling nanirahan ang mga taga-Tungaw sa kanilang bayan at natuto na talaga silang maglinis. Ngunit isang araw, nagulat sila sa malilit na insektong nagliparan galing sa ilog at sumisipsip ng dugo. Naalala nila si Amok at ang mga sinabi nito. Hindi sila nito tatantanan. Lumipas ang mga araw at ang mga insektong ito ay tinawag na lamok sa alaala ni Amok na kailanma’y di malilimutan ng mga taga Tungaw dahil ito ang nagturo sa kanilang maging malinis.
*Mas bagay sana kung Ang Alamat ng Langaw tas ang pangalan ng higanteng putakti Angaw. Paumanhin kay Mark Lapid, at sa Apoy sa Dibdib ng Samar