<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Missed Call*

Tuesday, November 21, 2006
Pitong buwan na ngayon mula nang makilala kita. Sandaling panahon pero sapat na para masabi kong naging mabuti tayong magkaibigan. Sa Palma Hall kita unang nakita at nakausap, at mula noon, hindi ka na naalis s isip ko. Hindi mo alam pero noong mga panahong puno ako ng problema, dumating ka, at sa maraming pagkakataon, naging dahilan ka para mapangiti ako sa kabila ng dinaraanan kong mga pagsubok. Sa loob ng pitong buwan, naging madalas ang kwentuhan natin (kahit karamihan ay sa text lang), at sa mga kwentuhang 'yun, unti-unti akong napalapit sa'yo. Araw-araw ay para akong adik na sabik na sabik na makita o maka-text ka man lang. Natatandaan mo ba nung araw na nagulat ako sa pagpasok ko sa isang room sa Palma, at nandun ka? Gustung-gusto ko nun magtatalon sa tuwa, at nag-ilusyon pa ako na may malalim na kahulugan ang pagkikita nating 'yun. Dahil sa kaadikan ko sa'yo, ikaw ang inspirasyon ko sa kauna-unahang love song na nabuo ko gamit ang gitara. Iyon nga lang, di ko kailanman sinabi at pinarinig sa'yo. Ito pa, nakakatawa, man pero nakagawa ako ng sarili kong alphabet para lang maisulat ang pangalan mo, at masabi ko ang mga gusto kong sabihin sa'yo. Paano naman, noong lakas loob pa akong nagsusulat ng tungkol sa'yo, muntik mo nang mabasa!

Ito ang isang stanza ng kantang ginawa ko:
"Lumipas ang mga araw, andami nating kwento
Di ko man lang nasabi, damdamin ko para sa'yo
Hanggang natapos ang oras, kailangang magpaalam at lumayo"

Akala ko kasi noon, matatapos na ang komunkasyon natin, pero inabot pa ng pitong buwan para maging totoo ang bahaging ito ng kanta. Nung isang gabi, tinext kita, sabi ko sa'yo: "be happy." at "maraming salamat." Paraan 'yun ng pamamaalam ko. Pasensya at di na kita nireplyan sa mga text mo nang sumunod na gabi, nahihirapan kasi ako, at nasasaktan, dahil habang gusto kong isipng may nararamdaman ka din para sa akin, ay ang unti-unting pagiging malabo ng kung anumang meron sa pagitan nating dalawa.

Sa unang pagkakataon, aaminin ko ang damdamin ko para sa'yo. Gusto kita. May gusto ako sa'yo, at ayokong lumalim pa 'yun, O sige na nga, aaminin ko na. Mahal na nga ata kita, at sana hanggang doon na lang. Ngayon, kayanin ko sanang limutin ka.

*Pakiramdam ko, noong tinatawagan mo ako na sadyang di ko sinagot, ay ang dahilan kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin para sa ating dalawa. Pasensya ka na.
1:32 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Bakit?

Monday, November 20, 2006
Ako: Maraming salamat sa lahat. Ingat ka lagi. Alagaan mo ang sarili mo. God bless.
Ikaw: Bakit parang galit ka?
Ako: Never akong magagalit sa'yo.
Ikaw: Bakit?

Di na ko nagreply. Alam mo ang sagot? Ngayon ko lang to sasabihin. Marami na kong sinulat na hindi ko pinost, puro tungkol sa'yo, tungkol sa nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita. Ngayon alam mo na kung bakit hindi ako magagalit sa'yo. Mahal kita, pero mukhang hanggang magkaibigan lang tayo. Pasensya at di na ko nagrereply sa'yo. Hinanda ko na ang sarili ko sakaling mabasa mo 'to. Patawarin mo ko dahil hindi ko nagawang pigilan ang damdamin ko. Patawad.... Kainis ka, naiiyak tuloy ako.
2:54 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Power ni Putoman

Thursday, November 02, 2006
Kanina lang, napatunayan ko na naman ang aking convincing power. Haha! Lumelevel up na ata ang powers ko. Eto ang ilan sa mga eksena:

#1- Galing ako sa UP kanina to get my classcards. Sa econ muna ko pumunta para sa 190.1. Nakalagay sa window November 6 pa ang release ng classcards. Pumasok ako. Ayaw nung babae, andami nya daw ginagawa, at never pa siyang nagbigay kahit magkanda-iyak na ang mga kumukuha. "No way!", sa loob-loob ko.
Ako: E kasi po kailangan ko na tomorrow for my scholarship.
Babae: Pumunta ka na lang sa Nov. 6
Ako: Mafo-forfeit po kasi ang allowance ko kapag di ko na-pass ang classcards ko.
Babae: Pumapayag naman sila na sa CRS tingnan, pakita mo
Ako: E kasi po outside UP ang scholarship ko.
Babae: Di talaga pwede.
Ako: Mam, sige na po....
Babae: Wala kong assistant. Humanap ka ng RVC
Ako: Ano po 'yun?
Babae: Registration assistant. 'Andun, naglilinis ata sila ng tambayan.
Ako: Saan po 'yun. Di ko po 'yun alam.
Babae: Diyan sa gilid.
Nang bubuksan ko na ang pinto, nakita kong tiningnan niya ang classcards. Nasabi ko na na Econ 190.1. Hehe, lapit agad ako.
Ako: Sige na po.....
Babae: Anong pangalan mo?
Ako: Yang po.
Babae: Maripo?
Ako: (Huh? Sino 'yun?) Jayson po.
Sabay abot niya ng classcard. Pagkatapos ko makuha at magpasalamat, martsa agad ako palabas at baka magbago pa ang isip ng may katandaan nang babae.

#2: Sa PolSci Dept. Dito di ako masyado nahirapan. Nov. 6 pa din ang release! Pasok ako. Ako pa pinaghanap ng classcards ko. At naka-2.0 ako kay Mam Casambre!!!! Halos lumundag ako palabas. Nakuha ko lahat ng classcards ko!

#3: LRT Line 1. Sarado na daw sabi ng guard. Lagpas 9pm na nun. Todo pilit ako kay kuya. Tinanaw ko ang loob ng LRT, nagligpit na nga ang kahera at nasa labas na siya ng ticket booth. "Hindi ito maaari!"
Ako: Kuya, sige na po! Akong bahala mamilit sa loob!
Kuya: Papagalitan nga ako. At saka nakaligpit na o....
Ako: Kuya, sige na.... Kakausapin ko si ate....
After 10 minutes siguro nang pinayagan ako ni Kuya. Yung babae naman ngayon. Hehe.
Ako: Mam, pwede po ba kong bumili ng ticket. Sige na po.
Babae: Di na, naligpit ko na.
Yumuko ako. Tipong hinayang na hinayang.
Babae: San ka ba?
Ako: (Wah!) Monumento po.
Pumasok si ate sa booth at kumuha ng ticket at pinagbilhan ako!
Babae: Bilisan mo, baka paparating na yung train, last na yun.
Ako: Opo, maraming salamat po!
Lumingon ako kay manong guard
Ako: Kuya, salamat! Salamat ng marami! (Sabay saludo)

Apir!
3:41 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink