<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Happiness: We're all in it together.*

Saturday, September 30, 2006
Bad trip ako nung Wednesday sa 193. Hanggang ngayon, di ko pa rin ako matigil sa pag-iisip, pagka-inis, at panghihinayang.

Dahil last 'student for the day' ng class, may twist na nangyari: sa halip na bumunot ng index card, pwedeng magvolunteer ang gusto. Mula nang magstart ang 'student for the day', lagi na 'kong nagwiwish na ako ang matawag, so I thought it was my chance. I volunteered. Hindi ako magvuvolunteer kung hindi ko aral na aral ang lecture at ang readings. Kahit may sakit ako the night before, pinilit ko ang sarili ko. I even memorized a few pages of the assigned readings para sigurado. Sa madaling salita, kahit anong offer ni sir ay magdi-deal ako dahil handang-handa ako that day. Hanggang sa magtanong ulit si sir kung sino pa gusto. Nagtaas ng kamay si Pido, who happened to be one of my best friends. Pabiro, alam kong medyo di maganda, pero gusto ko talagang mangyari, sinabi ko kay Tonet: "sabihin mo kay Pido umatras na siya", na sinabi naman ni Tonet, pero walang epekto. Naramdaman ko kasi agad na once na may iba pang nagvolunteer at nagkaron ng bunutan, hindi ako ang matatawag na siya ngang nagyari, si Pido ang 'student for the day'.

Bago magstart ang question and answer, sinabi ko sa sarili ko: "Pido, dapat i-perfect mo yan." Bakit? Kaibigan ko siya at kung di man ako ang mabigyan ng chance na makaperfect, syempre gusto ko kaibigan ko. First two questions, di nya nasagot, at di ko mapigilang iuntog ang ulo ko sa upuan dahil sa disappointment. Pero alam kong wala siyang kasalanan, at wala din akong karapatang magalit. Pero ok lang naman siguro kung sabihin kong disappointed ako at hinayang na hinayang. Dagdagan pa ng mga naririnig ko, "dapat ikaw na lang, sayang." Questions 1 to 9, alam ko ang sagot. Nagwish ako na sana di ko alam ang sagot sa last question para di ako manghinayang nang husto. Pero hindi, alam ko ang sagot, at kulang na lang umiyak at maglupasay ako para malaman ng mga tao ang naramdaman ko.

I could have answered all the questions. I could have erased the deductions from my ‘stealing power’. I could have been the best 'student for the day'. I could have had Friedrich Caspar's painting (kahit printed copy lang sya) as a prize. Ang sakit sakit talaga. Alam kong merong di makakaintindi, pero ok lang, I just want to express what I feel. I desired to be the 'student for the day'. Nang mabunot si Pido, pinalakas ni Sir ang loob ko na pwede pa naman daw akong magkaron ng star sa steal na hindi din nangyari dahil di ako nabunot para sumagot. I replied. "Sir, I want to be the student for the day." Totoong totoo ‘yun, kahit hindi ko pa maperfect, gusto ko talaga, gusting-gusto. Kaya di ako takasan ng panghihinayang. 'Yun pa rin ang naiisip ko sa mga bakanteng oras, na ayokong nangyayari sa akin dahil talagang nasasaktan at nahihirapan ako.

Siguro naramdaman ni Sir Pilapil 'yung desire ko na maging 'student for the day'. Nag-offer sya sa'kin na after ng exam, we'll have a special 'student for the day' session. Pag naperfect ko, may +3 ako, at akin na ang gawa ni Caspar. I accepted the deal with no hesitation. But still, iba pa rin sana kung ako ang nabunot last Wednesday. Pero ganun lang siguro talaga. Kung hindi para sa'kin ang isang bagay, matuto akong tanggapin ang katotohanan, at umasa na meron pang naghihinaty para sa'kin. ^_^

*Galing sa Brazil, ang movie na pinanood namin sa class. Naappreciate ko na ngayon 'yung film, ang ganda pala.

Kay Pido, di ako galit sa'yo. Pero sana talaga hindi ka nagtaas ng kamay, at aaminin ko, ayaw kita makita nung Wednesday sa inis. Pero sabi ko nga, di ako galit dahil wala ka namang kasalanan.
3:34 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Schedule

Sunday, September 17, 2006
Haha! I decided to put my schedule here! Para maiba naman. Sa mga mag-aayang lumabas, check nyo muna para di ako makahindi. Hehe.

Sept. 18
10-11:30- Econ class
11-30-5:30 - org work, proquest, tunganga, tambay, kain
5:30- open tambayan, lamon, lamon, lamon
7:30- lakwatsa time, pwede kong gumimik nito.
Sept. 19
1-2- preparation for Pulitikalokohan
2-4- Pulitikalokohan
4-5:30- kain, tambay
5:30-7- 153 class
7 onwards- bawal na, uwi na ko!
Sept. 20
2-5- 193 class
5-7pm- econ make up class
7- lakwatsa na to!
Sept. 21
10-11:30- Econ class
11:30- uuwi na agad ako
Sept. 22
1-5:30- proquest, forum, tunganga
5:30-7- 153 class
7-8:30- tambay, tunganga, lamon
8:30- uwi na.
2:39 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Paunawa

Monday, September 04, 2006
Kailangan kong gumising nang maaga kanina. Kahit ayoko pa, kailangan kong bumangon nang 8am para di ma-late sa exam sa econ190.1. Di pa ko nakakabawi ng tulog. Nakakainis.

Ok naman ang exam kanina. Binilang ko ang sigurado kong sagot, passing naman.

Bakit ba inaakala ng mga tao na malungkot ako? Oo sige, konti. pero, ang totoo, matagal ko nang naayos ang sarili ko. kung malulungkot man ako, sa ibang dahilan.

Basta, lumalabo na naman ako.

Sa mga co-scholars ko pala sa rotary, thank you at masaya ang mooncake festival. pasensya sa mga naasar ko, puyat pa ko nun. kitakits sa susunod. sa tagaytay na yata ang next activity natin.
kay jeb, denneel, ven, at nero, sensya at di ako nakasama sa lakad, kailangan kong mag-aral para dun sa exam ko.

tonet at moi, sabi ko sa inyo, di ako malungkot. ^_^ tonet, buuhin natin ang mga kanta para sa album natin. guys, abangan niyo ang HIMIG HANDOG PARA SA MGA HAYOP.

dapat talaga nagreresearch ako ngayon, pero dahil maloko ang site ng mainlib, eto, blog na muna.

oy controller, magpakilala ka na sakin.

sa textmate ko naman, salamat dahil talagang textmates pa rin tayo. antiyaga natin.

sa mga prof ko:

sir alburo, sana madali lang ang finals
sir tigno, gagandahan namin ang paper namin.
mam casambre, hirap ng exam, dumugo ilong ko
sir baylon, bakit di niyo inulit yung exam? nasaan ang art.8,sec.5 ng consti?
sir pilapil, gusto ko nang maging student of the day.

sa APSM mems, hi!
sa Explore mems, pasensya at laging tapat sa class ko ang GA
sa Rotaract mems, anong plan?
sa Lingkod-Bayad, sana makapunta ako next meeting

Sa mga classmates , good luck.

Sana masaya tayong lahat.

God bless. ^_^
2:18 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink