<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Simbuyo

Monday, October 31, 2005


Sa oras ng pag-iisa, nadarama ko ang labis na pangungulila.
Tingin sa malayo.....

Maingay ang katahimikan, di ko maunawaan ang isinisigaw ng kawalan.
Nagyeyelo ako sa lamig.....

May nagbabadyang luha, ngunit kinaya kong pigilan. Gawa ng pagkamanhid.....

Iikot ako sa aking kama para mahanap ang tamang posisyon.
Balik sa dati......

Maghuhubad ako upang damhin ang haplos ng hangin.
Walang epekto.....

Aawit ang aking diwa, makabagbag damdamin.
Subalit walang musika.....

Guguhit ako ng pangarap sa aking tanaw.
Di ko maaninag ang kabuuan.....

Malinaw ang siklo sa labas ng bintana.
May makapal na usok.....

Naiintindihan ko na ang lahat.
Hindi ko maipaliwanag.....

Wala akong masabi.
2:10 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Heartthrob Countdown

Wednesday, October 26, 2005
Five hours na lang, at malalaman na ang ULTIMATE HEARTTHROB

'Wag sayangin ang nalalabing oras. Bumoto na!
1:02 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Aga Gising

Monday, October 24, 2005
Octubre 24, 2005
8:30 ng umaga

Ngayon lang ulit ako nagising nang maaga..........
Nakakapanibago, malayo sa nakasanayan kong paggising mula nang magsimula ang sembreak, alas diez na ang pinakamaaga.
Bumangon ako para sa spaghetti ng kapitbahay namin. Sobrang sarap nun mag-spaghetti kaya di ko na pinalampas!

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hanggang wednesday na lang ang poll ng 6pm kaya bumoto na po tayo.

Kulangot.
9:15 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


PBB fanatic

Saturday, October 22, 2005
Eviction na naman mamayang gabi sa PBB.

Kinakabahan ako. Kung matatanggal si Chx, siya ang kauna-unahang binoto ko na matatanggal.

Pero, umaasa pa rin ako na si Sam na lang ang matanggal.

Napanood niyo ba si Cass kagabi, para siyang diyosa, napakaganda.........

Si Cass ang gusto ko manalo pero marami na siyang supporters.

Hindi pa oras para matanggal si Chx.

Kailangan talaga si Sam na ang matanggal...........................
12:40 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


www.angbagongsuperhero.tk

Friday, October 21, 2005
sa wakas, gumagana na ang:

www.angbagongsuperhero.tk



7:57 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Sa Pagbuhos ng Ulan*

Saturday, October 08, 2005
Naglalakad tayo noon, pauwi sa kanya-kanyang tinutuluyan. Tapos na kasi ang panonood natin ng sine, at pagkukwentuhan sa tambayan, uuwi na tayo 'nun, hanggang sa nagsimulang bumuhos ang ulan................

Sa una ay alinlangan tayong magpabasa, dahil malayo pa ang uuwian ng iba sa atin. Nagmadali pa nga tayong sumilong sa waiting shed, sa may abangan ng jeep. Pero, iba talaga ang dating ng ulan nang gabing 'yun. Sinimulan ng dalawa, sumunod ang iba, hanggang sama-sama na tayong nakisayaw sa buhos ng ulan. Nilimot natin ang lahat ng alalahanin, walang exams, walang papers, walang lovelife, walang problema. Kusa nating itinigil ang pag-ikot ng mundo. Wala tayong pakialam sa mga dumadaang sasakyan, sakop natin ang buong kalsada.

Atin ang mundo nang gabing 'yun, hindi natin alintana ang oras, at wala tayong mga inhibisyon. Ang alam natin, bihira ang ganitong pagkakataon, ang makaligo sa ulan nang sama-sama, at ang iwan ang realidad nang pansamantala. Sino nga ba ang nanalo sa karera natin sa pagtakbo? At ang paghiga natin sa gitna ng kalye? Nakakatawa, para tayong mga batang sabik na sabik makapaglaro. Damang-dama natin ang bawat patak ng ulan, ang bawat patak ng kaligayahan ng ating pagsasama-sama. Hanggang sa natapos ang gabi, at tumila ang ulan........

Inuulit-ulit kong isipin ang gabing iyon, isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko. Ang pagtuloy natin sa bahay ng isang kaibigan, ang marathon natin ng mga di malilimutang pelikula, ang mabilisang pagkain sa loob ng taxi dahil sa lumipas na gutom, ang pagsakay sa jeep nang basang-basa, lahat-lahat. Hindi natin kinayang pahabain pa ang oras na naliligo tayo sa ulan, iyan ang katotohanan. Pero marami pang mga susunod na araw at gabi na pwede nating pagsaluhan. Kung hindi man tayo magkakasama sa susunod na pagbuhos ng ulan, tumanaw lang tayo sa labas ng ating mga bintana, at balikan natin ang mga alaala nang gabing 'yun, ang gabing lalong nagpatibay sa ating samahan, at lalong nagpatunay na mahalaga tayo sa isa't isa.

Hanggang sa susunod na pagbuhos ng ulan, mga kaibigan..........



*Para kay Angel, Ava, AZ, Carol, Cha, Isha, Maw, Nyl, Tin at Torvix.
At sa iba pa, sana sa susunod na pagbuhos ng ulan, kasama na namin kayo.
8:36 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Ang Bagong Superhero

Wednesday, October 05, 2005
11:37 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink