Skyflakes*
Friday, January 11, 2008
Ang Beach House
Dito kita nakilala nang minsang nananghalian kami ng isang kaibigan. Pareho tayo ng kurso, kapwa nasa ikalawang taon, malabong hindi tayo maging magkaklase. At iyon nga, akalain mong ikaw na nakilala ko nang araw na 'yun ang magiging "ultimate classmate" ko sa kolehiyo.
Ang Skyflakes
Nagtext ka sakin at hindi ka nagpapakilala. Sabi ko sa'yo, "pag di ka nagreply, dudurugin kitang parang skyflakes." Iyon ang simula ng pagiging kumportable natin sa isa't isa.Ang Film Center
Kasama ang isa pang kaibigan, nanuod tayo ng pelikula sa Cine Adarna, at pagkauwi'y nagkatuwaang sabihin ang crush ng isa't isa. Sa jeep ko na nasabi noong dalawa na lang tayo ang sa akin dahil ang crush ko ay ang kasama natin. At kahit di mo sinabi, naramdaman ko na naapektuhan ka kahit konti. Nito ko na lang nalaman, ako pala ang crush mo nun! Sabi ko na nga ba eh! Ambilis mong nakaget over. Hahahaha.Ultimate Kaklase
Planado man o hindi, lagi tayong magkaklase at sa mga klaseng iyon, halos lahat magkatabi at magkagrupo tayo. Mabilis tayong nagkasundo sa acads. Pareho tayong tamad, parehong di nakikinig, parehong mahilig magcram, at parehong mahilig mang-okray ng mga ayaw nating kaklase. Ang pinagkaiba lang, ikaw ay nagnonotes, habang ako good luck na lang, pero lagi namang tapos ang assignment ko, ikaw scratch paper pa lang. Haha. Pero ang pinakamahalaga, effective ang tandem natin as ultimate classmates!Food Supplier
Kapag biglang naghumiyaw ang sikmura ko, ikaw ang numero uno kong tinatakbuhan dahil ang bag mo ay imbakan ng pagkain. Ang mama mo kasi ay nutritionist. Hahahahaha.Iwasan Blues
May mga pagkakataong nagkakatampuhan din tayo. Sinigawan mo pa ko dati nun at nagulat ako. Inis na inis ako nun. Haha. Kaya lang nakalimutan ko na kung bakit mo nga ba ko sinigawan. Bago matapos ang huli nating sem sa UP, medyo umiwas ako dahil nagiguilty ako na andami kong kailangang sabihin sayo na di ko nun masabi-sabi.Starbucks Tomas Morato
Dito muling nagliwanag ang ating pagkakaibigan. Naging malinaw ang lahat. Sinabayan natin ang pagsikat ng araw ng mga sikretong gumimbal, nagpatawa, nagpakilig, at nagpatambling sa atin. Ayaw na nating maghiwalay noong araw na iyon pero wala tayong magagawa dahil kailangan din anting matulog. Hehe.Ang Fireworks
Ang fireworks noong lantern parade na marahil ang opisyal na hudyat ng isang matibay na samahan. Nagyakap tayo nang mahigpit at nagpasalamat sa isa't isa. Noong gabing iyon, napatunayan ko na ikaw ang kaibigan na handa akong puntahan anong oras man ng araw, kapag kailangan ko ng kausap at makakasalo sa lungkot man o kasayahan. Ikaw ang kaibigan na nagpapalakas sa loob ko kahit sa mga simpleng papuri, at aawat kapag lumalagpas na ko linya ng katinuan. Ang unang pagtunghay natin sa fireworks noong lantern parade ay nasundan noong pagdiriwang ng sentenaryo ng UP. Kahit inakala mo na ala-sais ng umaga pa tayo magkikita (na 6pm kaya!), nagawa mo pa ding humabol. Hindi pwedeng hindi dahil mamimiss mo ang centennial kick-off, at mamimiss mo ako at ang ating fireworks experience. At tulad ng nauna, sa tabi mo, hindi ko naramdaman ang mag-isa. Naramdaman ko ang pasensya mo sa aking mga kahinaan at mainit na pagkalinga ng isang kaibigan. Asahan mo na ganun din ako sa'yo. Ipinapangako ko din na walang sandali ng buhay ko ang hindi ko ibabahagi sa'yo. Mahal kita. ^_^*Sabi natin noon, kapag na-Maalaala Mo Kaya ang buhay natin, ito ang magiging title.