<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Grad Pic*

Tuesday, January 22, 2008

Maaaring natapos na ang pag-ibig ko sa'yo. Maaaring hindi na ako tulad nang dati na handang makipaglaban para masungkit ang puso mo. Maaaring natapos na ang aking pagmamahal. Maaaring sumuko na ako.

Araw ng iyong pagtatapos. Inaasahan kong maiaabot mo ang grad pic na sinabi mong ibibigay mo gabi bago ang araw na iyon, at ako din ay magbibigay sa'yo kasama pa ang librong hiniram ko. Umaga pa lamang ay nasabi mo na sa text na hindi ka nakapagdala ng grad pic dahil sa ika'y abala sa isa sa pinakamahalagang araw mo. Naunawaan kita. Gayunpaman, dala ko ang libro mo at ginawa ko itong dahilan para makalapit sa'yo. Papaano'y madalang ang pagkakataong nakakausap kita nang personal.

Hila-hila ang isang kaibigan, pumunta ako sa lugar kung saan gaganapin ang inyong pagtatapos. Isa na marahil iyon sa pinakanakakakabang araw ng buhay ko. Akap ko ang libro habang tinatanaw ko kung nasaan ka, at nanghina ang mga tuhod ko nang makita kita. Dahan-dahan akong humakbang subalit hindi kita nagawang lapitan. Kitang-kita ko ang umaapaw mong kasiyahan, at bakas sa iyong mukha na wala ka nang hinihintay na panauhin, wala kang inaasahang iba.

Nagtago na lamang ako sa isang tabi, nakatanaw, hanggang sa magsimula na ang seremonya, at nagpasya akong umalis na. Akap ko pa din ang libro habang papalayo ako, at nakaipit doon ang aking litrato na mayroong mensahe ng pasasalamat para sa'yo. Hindi ko akalain na hindi ko na maibibigay iyon sa'yo.

Maaaring napawi na ang sakit. Maaaring hindi na ako apektado, Maaaring hindi na kita mahal. Ang lahat nang ito'y maaari lamang.^


*Ilang ulit na kong nagtangkang itapon ang grad pic na para sana sa'yo, ngunit sa bawat pagkakataon ay hindi natutuloy.

^Alam ko, at nararamdaman ko na di na kita mahal, pero bigla kong naalala ang mga kalokohan ko. Maraming samalat sa libro.






12:54 PM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

Jayson :: permalink