bAcK tO sChOoL
Thursday, November 15, 2007
I'm a student again! Yehey! MA Demography is my new course. Haha. Medyo may kalayuan sa polsci. First meeting kahapon at dahil sobrang excited ko bumalik sa school, naghalf day ako sa work. Bigaten ang mga kaklase ko. Classmate ko si Prof. Yani Lopez ng Geog. Six lang kami sa class at absent pa yung dalawa. Feeling ko magiging cool ang class namin. Eto pa, I saw a friend, ok, yung friend na gusto ko, at pagkauwi, narealize ko na the feeling is gone, and I am soooooo happy. Nakakatuwa, kasi mukhang sobrang mag-eenjoy ako sa buhay MA especially now na sobrang ang gaan ng pakiramdam ko. Pero halos buong araw ay mag-isa ko so medyo sad nang onti, tas Wednesday 5-8 pa schedule ko, so onti ang may mga class. I just took pictures of myself. Haha. Napakagandang segway! I apologize for showing these pictures. Nagmumukha na kong conceited nito. Haha. Gusto ko kasi macapture ang mood ko bilang nagbabalik estudyante. Hehe. Oh well, I’m a frustrated photographer kahit hindi naman ako marunong! Haha. Enough enough enough. Eto na ang pictures! Haha.