7/24
Magdadalawang linggo na ang nakakaraan mula nang mapanaginipan ko ang kombinasyon ng numerong 7/24. Mula noon, hindi na ito naalis sa isip ko, at palagi ay iniisip ko kung anong mangyayari sa'kin sa ika-24 ng Hulyo. Sinubukan ko ngang tumaya sa easy-2 lotto pero may nauna na daw sa akin na nakataya ng 7/24 (noon ko lang nalaman na ganun pala ang rule, hehe.). Inisip ko din na baka may kung anong mangyari sa'kin sa araw na ito, pangit man o maganda. Pero ang pinakainasam kong mangyari ay ang dumating sa buhay ang taong matagal ko nang hinihintay. Hindi ako nakatitiyak kung sino siya, pero siya
Ngayon na ang ang pinakainaabangan kong araw. Umaga pa lang ay napagtatanto ko na na espesyal talaga ang araw na ito. Ito ang ilan sa mga nangyari ngayong umaga pa lamang:
-Nagising ako ng lagpas alas-siete, hindi tulad ng nakasanayan na 6:30. Ibig sabihin, late na ako sa opisina at kailangan kong magmadali.
-Isa lang ang gumaganang ticket machine (yung pinapasukan ng ticket bago ka lumabas, hindi ko alam ang tawag dun) sa Gil Puyat station sa LRT1 kung saan ako bumababa. Lagi naming gumagana lahat yun, at kung kalian ako late na late na at saka pa mga nasira.
-dumaan sa ibang ruta ang fx na sinasakyan ko pero di pa din nakaiwas sa traffic. Traffic mula sa sinakayan ko hanggang sa office. Malapit na mag-9:30 nang dumating ako at iyon na ang pinakalate kong pagpasok.
-natatandaan nyo pa ba yung sinulat kong Hanggang sa Panaginip? Pakiramdam ko nabasa na nya (Syet.).
-may nagpadala sa'kin ng smiley sa friendster, at ako'y natutuwa sa kanya dahil di ko naman sya kilala pero parang nakita ko na sya dati
Maaga pa bago bigyan ng konklusyon ang araw. Higit 12 oras pa ang hihintayin ko bago ko tuluyang maunawaan ang halaga ng araw na ito. Umaasa pa din ako na ang pagiging espesyal nito ay sa magandang paraan. Sa kabila ng maaaring mga maganap, isa lang ang sigurado, susubukan ko ulit tumaya ng lotto! Mahirap na, baka ito na pala ang swerte ko!