<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Walang Pamagat*

Sunday, December 17, 2006
Oras ng lumbay. Hindi mo ako kayang mahalin. Ilang gabi bago ka umalis, sinabi mong 'wag akong magtampo, wag akong magselos sa kanya dahil kaibigan mo lang siya. Bakit mo sinabi 'yun? Sana'y hiningan kita ng paliwanag. Naniwala akong may pag-asa, na pwede tayo, at papunta na tayo dun. Pero bago ka umalis kahapon, wala ka man lang ni isang salitang sinabi, at di ka man lang nagparamdam. Naiwan akong naguguluhan, pero aakalain ko na lang na ayaw mo na.

Sinabi ko naman sa'yo, inaabot kita hanggang kaya ko. Kaya kong talikuran ang mundo sakaling lumapit ka at sabihing kailangan mo ng kasama. Marahil ay hindi sapat ang lakas ko para maabot kita, o ikaw mismo ang lumalayo? Nakakapagod na.

Oras ng paglimot. Sa pagbabalik mo sa bagong taon, sana ay kayanin kong harapin ka.

Suko na ako.

*Wala akong maisip.
5:45 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Pauso: Survey sa Blog!

Sunday, December 03, 2006
KUNG TAGA PEYUPS KA, MASASAGOT MO TONG
MGA TO:

1. SAAN KA TUMATAMBAY SA AS?
- sa east wing, APSM tambayan

2. MAY ORG KA BA?
- UP Explore at UP APSM

3. MAY FRAT KA BA? O SORO?
- wala. ^_^

4. SAAN MO MAS TRIP KUMAIN,SA LOOB NG
UP, O SA KATIPS?
- sa loob ng UP syempre! Sarap magfood trip! Gusto ko tuloy ng isaw!


5. KUMAKAIN KA BA SA SIOMAYAN SA FA?
- hindi ako nagagawi ng FA! Pero siomai sa coop masarap! 3 for P15!

6. EH SA CASAA?
- kumusta naman?!!!! Halos araw-araw dito!

7. ANONG PINAKA TRIP MONG FRAT/SORO?
- wala. yoko sila. peace!

8. KUNG WALA KA PANG ORG, SAN KA
SASALI?
- sa YFC suguro at sa singing groups. hehe.

9. MASAYA KA BA SA COLLEGE MO?
- oo! sobra!

10. ANONG GINAGAWA MO PAG WALA KANG
KLASE?
- kwentuhan. kain. lakad. nood ng movies sa film institute.

11. ANO MAS TRIP MO, MST, AH O SSP?
- AH. Nag-eexcel ako sa mga panpil!

12. SINO MAS KASAMA MO LAGI? AS IN
LAGI?
- syempre ako!

13. MASAYA BA SA UP O JOLOGS?
- ano ba?! sobrang saya sa UP! parang mali ang tanong.

14. SAAN MAS MASARAP NA KAINAN, LK OR
LB OR RODIKS?
- rodiks!

15. SINONG PINAKA KUPAL NA PROF PARA
SAYO?
- mam berja. pero gusto siya.

16. GUSTO MO SAPAKIN?
- wala naman....
17. MGA ILAN?
- wala nga eh.... labo mo ah!

18. MAGALING BA ANG UAAP BASKETBALL
TEAM NATEN?
- hindi.

19. EH ANG PEP SQUAD?
- syempre pa!

20. ANONG PINAKA TRIP MONG FACILITY SA
UP?
- ano ba? yung film institute na siguro, at saka ung track oval sa may bahay ng amumni....

21. ANONG PINAKA JOLOGS NA FACILITY SA
UP?
- wala naman para sakin....

22. KUNG MAKAKAPILI KA ULI NANG
COLLEGE AT COURSE MO, SAAN KA?
- film or journ o sa panitikang pilipino...

23. KELAN KA GGRADUATE?
- sa April! Yehey!

24. ANONG MASASABI MO SA MGA TIBAK?
- mahalaga ang papel nila. wag lang aabot sa karahasan.

25. NANINIWALA BA KAYO SA SAYING
NA "UP AND THE OTHERS"?
- oo. walang papalag!
3:38 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink