Pagitan*
Thursday, July 27, 2006
Umahon man ay patuloy na nalulunodKinikitil ang bawat pandama
Ginagap ang nalalabing butil ng pag-asa
Tuloy ang pagbati ng mga luha
Unti-unting mamanhid ang puso
Tatakas ang kaluluwa sa kanyang katawan
Ililipad ng diwa ang karanasan
At ang lahat ay magbabalik sa simula
Bahagi ito ng "Paninimdim", isang tulang isinulat ko noong Dec. 24, 2004. Wala akong tapang na maglabas ng mga likha ko sa paniniwalang hilaw na hilaw ang aking kaalaman sa mga akdang pampanitikan. Gayunpaman, naglakas loob akong ipabasa ang mga bahaging ito ng aking tula sa pag-aakalang maipapahayag ko ang kasalukuyang ako. Nabuo ang tulang ito pagkatapos ko noong umiyak dahil sa isang simpleng pagtatalo. At tulad noon, nais kong isipin na pagkatapos ng gabing ito, magbabalik din ang lahat sa simula, maaayos ko din ang mga dapat ayusin, at magiging masaya din ako.
*alisin ito, at ganap akong magiging maligaya. subalit, hindi pa tamang panahon.
2:12 PM :: ::
Post a Comment
Jayson :: permalink
1 Comments:
-
hi jayson,
By hopelessly romantically rightist, at 1:55 AM
aba, ikaw ay may angking Sehismundo sa iyong katauhan. ngunit hindi mo dapat na ibaon sa kailaliman ng lupa ang angking galing na ito. marapat lamangnamakita ng sangkatauhan kung paano sumulat ang isang gaya mo! iyo pang hasain ito at payabungin. malay mo, ikaw na ang aming babasahin sa mga antolohiya sa ating wika!
taus-puso at buong pagmamalaking pagsuporta sa iyo! -kristian
Post a Comment
<< Home
Jayson :: permalink