<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

balik-tanaw*

Saturday, June 03, 2006
Binasa ko ulit ang ilan sa mga entires ko dito, at kinurot ang puso ko ng alaala ng isang gabing labis akong naging masaya. Maraming nangyari ng gabi na 'to, gusto ko mang kalimutan ang ilan pero hindi pwede, dahil sa bawat pagtatangkang paglimot, ako pa rin sa huli ang talo. Gayunpaman, nais ko ulit ibahagi ang alaalang ito sa mga nakasama ko ng gabing 'yun. Idadagdag ko lang ang isang tao na wala man noon, parang nakasama ko pa rin nang buong magdamag. Naging duwag man ako, hindi ko kailanman itatanggi na minahal ko siya, at hindi 'yun magbabago.... at ang nakaraan ay di ko pa rin nalilimot, kasama ko pa rin sa ilang pagtulog, panaginip, at pangangarap nang gising.

Sa Pagbuhos ng Ulan*

Naglalakad tayo noon, pauwi sa kanya-kanyang tinutuluyan. Tapos na kasi ang panonood natin ng sine, at pagkukwentuhan sa tambayan, uuwi na tayo 'nun, hanggang sa nagsimulang bumuhos ang ulan................

Sa una ay alinlangan tayong magpabasa, dahil malayo pa ang uuwian ng iba sa atin. Nagmadali pa nga tayong sumilong sa waiting shed, sa may abangan ng jeep. Pero, iba talaga ang dating ng ulan nang gabing 'yun. Sinimulan ng dalawa, sumunod ang iba, hanggang sama-sama na tayong nakisayaw sa buhos ng ulan. Nilimot natin ang lahat ng alalahanin, walang exams, walang papers, walang lovelife, walang problema. Kusa nating itinigil ang pag-ikot ng mundo. Wala tayong pakialam sa mga dumadaang sasakyan, sakop natin ang buong kalsada.

Atin ang mundo nang gabing 'yun, hindi natin alintana ang oras, at wala tayong mga inhibisyon. Ang alam natin, bihira ang ganitong pagkakataon, ang makaligo sa ulan nang sama-sama, at ang iwan ang realidad nang pansamantala. Sino nga ba ang nanalo sa karera natin sa pagtakbo? At ang paghiga natin sa gitna ng kalye? Nakakatawa, para tayong mga batang sabik na sabik makapaglaro. Damang-dama natin ang bawat patak ng ulan, ang bawat patak ng kaligayahan ng ating pagsasama-sama. Hanggang sa natapos ang gabi, at tumila ang ulan........

Inuulit-ulit kong isipin ang gabing iyon, isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko. Ang pagtuloy natin sa bahay ng isang kaibigan, ang marathon natin ng mga di malilimutang pelikula, ang mabilisang pagkain sa loob ng taxi dahil sa lumipas na gutom, ang pagsakay sa jeep nang basang-basa, lahat-lahat. Hindi natin kinayang pahabain pa ang oras na naliligo tayo sa ulan, iyan ang katotohanan. Pero marami pang mga susunod na araw at gabi na pwede nating pagsaluhan. Kung hindi man tayo magkakasama sa susunod na pagbuhos ng ulan, tumanaw lang tayo sa labas ng ating mga bintana, at balikan natin ang mga alaala nang gabing 'yun, ang gabing lalong nagpatibay sa ating samahan, at lalong nagpatunay na mahalaga tayo sa isa't isa.

Hanggang sa susunod na pagbuhos ng ulan, mga kaibigan..........



*Para kay Angel, Ava, AZ, Carol, Cha, Isha, Maw, Nyl, Tin at Torvix.
At sa iba pa, sana sa susunod na pagbuhos ng ulan, kasama na namin kayo.
3:08 PM :: 1 comments ::

Jayson :: permalink


Isang Gabing Modelo

Thursday, June 01, 2006
May 27, 2006: Naranasan kong maging model

Yup, sumali ako sa fashion show, and fortunately I won the award for Best in Eyewear. My prize: dickies na shades courtesy of Ideal Vision, at sari-saring de lata. Pero pano ba nagsimula ang lahat. Eto....

I was supposedly attending a conference of the Roraract Clubs in District 3810 (basta mga Rotaract Clubs sa metro manila at sa cavite ata), pero two weeks before the event, our president told me na may fashion show daw na kasama and we needed a representative at nakiusap siya na ako na lang. E di ok, umoo ako. Pero di ko sineryoso, di ako naghanda ng isusuot. Nung mismong event, nagulat ako, seryoso pala 'yun. As in may rehearsal pa ng paglalakad sa tamang tyempo, tamang pasok, at tamang harap sa tao. Dahil di naman ako pwedeng magback-out, kung ano na lang yung dala kong damit, yun na lang ang sinuot ko. Denim Nights siya so di ako masyadong namroblema

Three categories ang sinalihan ko. Casual, Sports Demin, at yung Eyewear. Di ako nanalo sa casual at sports denim (tinupi ko lang hanggang tuhod ang pants ko at nagsuot ng UP jacket galing sa partner kong varsity). Pero ang galing ng nangyari sa eyewear.

Ang original rule ay topless sa guys. Nagprotresta ako, ayaw ko nun, sabi ko tanggalin na lang ako sa eyewear. Pero nagprotesta din yung iba, so ang nangyari, nakiusap na lang samin na magpakita ng konting skin para may thrill daw (kumusta naman?!) Ngayon, anong sinuot ko? Hehe, may long sleeves akong dala, tinupi ko yung sleeves nang di pantay, tas nakaopen, kita ang dibdib (hehe), tas sa pants naman, inopen ko yung butones at kita ang undies (o diba!). At tarararan, samin napunta ang pinakamagandang award that night.

Malas lang, di yun ang nakuhaan ng mga kasama ko ng pic, pero may mga pics ako sa ibang categories pero ayaw ko ipakita, nakakahiya ang pag-eemote. Hehe.

Ang saya ng experience na 'yun. Sa backstage, madilim at pagkatapos ng isang category, hubad ka lang at magpalit ng damit. Hehe. Basta, nag-enjoy ako, at alagang-alaga ko 'yung premyo ko kasi mahal daw 'yun sabi ng mga organizers. Akalain mo, pag nagasgasan mo yung ginamit mo, babayaran mo. Buti na lang nanalo ako, hehe.

Sarap ulit sumali next year. Hehe.:)


Tagaytay Haven- kung saan ginanap ang conference/fashion show



as usual, ako ang may pinakamakalat na kama. :(



gitara break, lapit na kami umuwi.



mukha akong kulang-kulang dito


Hanggang sa susunod. ^_^
2:02 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink