Tuldok at Kuwit*
Tuesday, September 04, 2007
Isang karangalan ang mailagay ito sa aking paboritong website/tambayan. (Ito po ang link -> http://peyups.com/article.khtml?sid=4361 ) Taong 2005 nang sinulat ko 'to at madami na ang nagbago. Kapag binabalikan ko ang mga nangyari sa aming dalawa, hindi ko mapigilang mapangiti. Mga bata pa kami noong nagsimula ang lahat. Ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay, at ang mga romantikong pangarap ay parte na lang ng nakaraan. Para sa kanya pa din ang akdang ito.
Ayokong hanapin mo ako dahil sa hindi mo ako makita, (malabo) dahil sa hindi mo ako maramdaman.(malabo pa rin)
Nitong nagdaang mga araw, nagbabago ako ng anyo. Isa akong yelo, na nakakulong sa bakal na puno ng kalawang. Hindi tumatakbo ang oras. Paano ako makakawala nang hindi natutunaw? Nang hindi nadudumhan?
Kung dumating ang oras na maghahanap ka, puntahan mo ang nagliliparang alikabok. Isa ako sa kanila. At kung sakaling mapuwing ka, isipin mong ako ang pumupuwing sa 'yo para di ka masaktan. Gusto kong maramdaman mo ang aking presensya nang hindi ako nakikita.
Kung madaan ka sa mga halaman, 'wag kang kukuha ni isang dahon man lang, baka ako ang iyong mapitas, malulungkot ako.
Pag ninais kong muling magbagong anyo, (ayoko pa) 'wag kang umasang makita ako, mag-iiba ako ng pormat disenyo.
Kung mapadaan ka sa umaagos na tubig, damhin mo iyon ng iyong mga palad. Wag mong punasan, isipin mo ako, hayaan mong matuyo at saka ako maglalaho.
Isipin mo lang akong tumatawa, tulad ng lagi kong ginagawa. Isipin mo lang akong tinotopak, at tawagin mo akong baliw, hindi pa rin ako masasaktan, tulad ng dati.
Hindi mo man ako makita, hindi ako lalayo. Magbago man ako ng anyo, ako pa rin ako. 'Wag mo na akong hanapin dahil hindi ako nagtatago, pero hindi ako magpapakita. Hayaan mong lumipas ang panahon...hanggang sa naisin kong ilapit ang langit sa aking puso...doon lang ako magiging malaya.
*hindi ako lumilimot, at hindi ako lilimot. gusto ko lang maglakbay ng walang anino...ng walang kasaysayan
para sa isang kaibigan. patawad.
My Top Ten (Star Cinema Movies)
Monday, September 03, 2007
Just to update my blog, I created my own version of "Ang Pinaka", Qtv's trivia and survey program. I listed down my "top ten" items from different categories, mostly from TV and movies. (Haha. You know me!) I enjoyed doing this one (Sana lang makarelate kayo sa mga kalokohan ko! Haha!)! I'll love to hear your comments guys! Here's the first one.
Top Ten Star Cinema Movies- Umamin, inaabangan mo din ang Star Cinema movies! Haha. Medyo onti lang ang napanuod ko eh. Here's my top 10.
10- Puso ng Pasko (1998) -Panahon ng unti-unti kong pagsuporta sa star cinema. I remember I was rooting for this film to win the best picture award over Jose Rizal sa Metro Manila Film Fest, at kahit di ko pa napapanuod, I was telling people na pangit naman ang Rizal. Haha. Kasikatan ni Jolina. Musical kung musical. Aliw din ang fake snow.
Sarah ang Munting Prinsesa (1995) –From the cartoon series na sinubaybayan nating lahat, this movie was a blockbuster hit. Camille Pratts was the best choice to play Sarah. Hmmm…. I think the whole cast did well in this movie. I remember one classmate was interviewed after the premiere of the movie. Sumigaw sya: "Ang ganda ganda ng Princess Sarah!". Nakita sya sa TV. Haha.
9- Feng Shui (2004) –I watched this alone sa SM North! Haha. At kahit mag-isa ako, wala kong hiya sa pagsigaw sa sinehan. Ganito nga yung sigaw ko o, "Wah! Wah! Wahhhhhh!" Haha. Most memorable scene: Lotlot and Lotus feet habulan scene, ang kabayo ng plantsa at ang red horse! This movie got the highest box-office return in 2004, and so Kris Aquino got her second (not sure) Box-Office Queen crown after Pido Dida ata. Haha.
8- Got to Believe (2002)- Pinanuod ko 'to bago mabawian ng buhay si Rico Yan, at sobrang nagustuhan ko ang movie. Fan ni Claudine (magaganda ang movies nya.) ang sis ko at bumili pa sya ng original vcd na may behind the scenes. Sayang, this could have been Rico's ticket to full stardom. I mean, siguro sought after leading man na sana sya. Hay, ganun talaga ang buhay. Highest-grossing film din ito ng 2002. .
7- Jologs (2002) –Bakit ko mahal ang Jologs? Bago sakin ang atake sa movie nung time na yun, at hindi sya puro pacute lang. Ito ang teen movie na may saysay at makatuturan. I loved Assunta de Rossi's acting, her "Paksyet" and "Ano akala nyo sakin, aso?!" line nung sinabihan sya ni Dominic Ochoa na wala syang breeding. Haha. I thought this movie would do good sa awards season, pero a lot of good movies came out that year na pang-award talaga ang drama. Pero isa pa din sya sa blockbuster movies that year. All-time favorite teen movie ko 'to.
6- Sukob (2006)- Highest-grossing Filipino movie of all time. Ang nakadagdag sa takot at kilabot sa movie na ito ay yung mga lugar kung saan kinunan ang mga eksena, parang sa mga ordinaryong lugar lang nangyayari, sa kusina sa bahay, sa kwarto, sa bintana, sa kapitbahay, na tipong pwede ding mangyari sa'yo anytime. Hehe. This is my all-time favorite horror movie. Ahehe. Di naman ganun kalaki kikitain nito kung di 'to maganda, nakakatakot at nakakakilabot.
5- Anak (2000)- Bumaha ata ng luha sa mga sinehan at mga lugar na pinalabas ang pelikulang 'to. A+ ang rating ko kay Vilma Santos sa movie na 'to. Swabe, mahusay, amazing! Haha. Magaling din si Claudine sa movie. Galing ng mga eksena nila ni Vilma. Pangmulat sa mga nilulustay ang padala ng mga kapamilya nilang OFWs. At syempre, ito ulit ang pinakamalaki ang kinitang pelikula ng taong 2000.
4- Tanging Yaman (2000) –Star cinema movie with the most number of local awards and recognitions. Nanuod ako nito mag-isa at hagulgol kung hagulgol lalo na nung kumakanta si Carol Banawa tas narerecognize na sya ni Gloria Romero. Buti may dala kong bimpo nito. Haha. Magaling ang buong cast! (Palakpakan!)
3- Nasaan Ka Man (2005)- Claudine's best so far. Puno ng tensyon ang pelikula, at sakto ang setting. Mahusay ang buong cast pati si Diether na bano pa dati umarte. Naging best actor pa ata sya dito. Si Claudine, super effective. No wonder humakot sya ng awards para sa movie. Hindi nasayang ang pera ko dito.
2- Bata, Bata.... Paano Ka Ginawa? (1998)- Another A+ for Vilma's performance! At stand out din dito ang dalawang bata: Carlo Aquino and Serena Dalrymple. The movie gave justice to Lualhati Bautista's award-winning novel. Recognized din ang movie internationally.
1- MAGIC TEMPLE (1996)- A fantasy movie with a sense. Hanga ako dito. Timeless para sakin ang storyline, at super markado ang mga characters. This was a successful attempt to bring a new flavor to Philippine cinema. Astig.