<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Kay Zenicar*

Thursday, August 09, 2007
Bukas, madadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad. Isa lang ang ibig sabihin, papalapit ka na nang papalapit sa edad ng pagiging matrona. (Haha!) Bago dumating ang iyong kaarawan, nais ko sanang balikan ang mga nagdaang taon na naging bahagi ka ng buhay ko.

Malakas ako magtrip noon, (noon lang) at sa di inaasahang pagkakataon ay ikaw ang napagtripan ko noong araw na 'yun. Walang klase nun at nagtatanong ka sa text sa isang kaibigan na kasama ko noon kung bakit walang tao sa room. Ako ang nagreply. Sinabi ko na nandoon kami sa room at nakikita ka namin. Nagpanic ka, natatawa lang ako. Iyon ang simula ng pagkaasar mo sa'kin.

Ang babaeng pinagtripan ko at inasar ay makakasabay ko palang mag-apply sa isang org. Doon tayo naging malapit sa isa't isa. Sabay tayong pumupunta sa math building, kwentuhan sa pamilya, kwentuhan sa mga hilig at paborito, ng mga unsyami sa buhay, at sabay din nga pala tayong nahuli ng isang professor na nag-uusap sa papel at tumatawa, at sinabihang ida-drop kapag inulit ang kalokohang 'yun.

Masyado mo na nga akong kilala at palagi'y nababasa mo na ang naiisip ko. Pati crush ko at pinagnanasaan ay nahuhulaan mo, kaya naman wala na ko sa'yong maitatago, dahil konting kutitap pa lang ng mata ko, alam mo na ang ibig sabihin. (Si Jayson Yang na nakahubad na lang yata ang di mo pa nakikita, haha!) Hindi din biro ang mga naging pagtatalo natin, patagalan na hindi nakikipag-usap, pero sa huli naman ay nagkaayos din tayo. At doon ko nalaman kung gaano ka kahalaga sa akin, at kung paanong ayaw kitang mawala sa buhay ko.

Isang pasasalamat at hanggang ngayo'y nagkikita pa din tayo at nagkakausap. Abala man tayo sa mga bago nating buhay, hindi tayo nawawalan ng oras para muling magkasama. Dito natin malalaman kung sino ang mga taong hindi ka talaga pakakawalan, at dadamayan ka kahit bumabagyo, okupado ng trabaho, o abala sa buhay pag-ibig. Ipinagpapasalamat ko na nakilala kita, kayo, na hindi ako hinusgahan sa lahat ng mga nagawa at naging desisyon ko sa buhay. Hindi ako magiging buo at maligaya kung wala kayo ngayon sa tabi ko. Maraming maraming salamat.

Kaarawan mo bukas. Sana ay napangiti kita sa munting handog na ito. Nadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad. Hiling ko'y matagpuan mo na ang mga bagay na kukumpleto sa'yo. (Ano kaya yun? Lalake ba? Haha!) Pero wag ka masyadong magmadali, dahil hanggang nandito ako sa mundo, hinding-hindi ka makukulangan sa pagmamahal.

Hindi ko na hihilingin pa na maging panghabambuhay ang ating pagkakaibigan, dahil natitiyak ko, na sa tibay ng ating pinagsamahan at sa pag-ibig na alay natin sa isa't isa, walang sinuman sa atin ang gugustuhing bumitaw. *HAWAK KAMAY*


*Isang tagay para sa maraming pang mga taon! Happy birthday Zen! Mahal kita. ^_^
10:58 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Live-In

Tuesday, August 07, 2007

Magsasama na kami ni Pebi sa isang bubong. Huuwwaaaaattttt?!!!! Pero ito ay bilang magkaibigan lamang. Haha. Nangangailangan pa kami ng 2-3 housemates. Sa Makati po ang place. P1500 lang isang tao, o pwedeng mas mababa pa.

Wag kayong mag-alala, hot na hot ang mga makakasama nyo. Wahaha! Text nyo ko pag interesado kayo. Tenkyu!

6:24 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink