<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

High*

Wednesday, October 18, 2006
Ngayong gabi, iba ang tingin ko sa ballpen, notebook, at readings na nasa harapan ko, nakakalunod, nakakapanlabo ng paningin. Tumatakbo ang ang isip ko sa kawalan. Sa halip na mag-aral para sa nalalapit na exam, minabuti kong pakawalan ang tila nalasing kong mga ideya, buhul-buhol, kaybigat, lumulutang sa ere.

Gusto kong mapariwara sa gitna ng kadiliman. Tila ngayong gabi, tumakas ang mga pangarap ko sa aking katauhan, at wala akong konsentrasyon sa mga dapat kong ginagawa. Iniangat at minasdan ko ang pasmado kong palad, kusang yumuyuko ang mga daliri, maaari'y senyales ng pagsuko at kapaguran. Wala ako sa aking sarili. Hindi ako ito. Sa sandali'y isa akong istatwa.



Sa di inaasahang pagkakataon, isang kakatwang musika ang aking nalikha, mula sa himig ng aking paghinga na sumasaliw sa ingay ng di mahuli-huling dagang nakikitira sa aming bahay. Sabay ang aming tiyempo, napapaindak ang aking katawan. Marami-rami na akong nabuong awitin, ngunit sa wari ko'y ito ang pinakamadamdamin, nakalululong..... may buhay..... may buhay..... Teka sandali. Natutunaw ako.

*Pasintabi sa mga naghahanap ng sense. Pasintabi din sa mga manunulat na gumagamit ng pasintabi.
7:27 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Yeng for the win!

Monday, October 16, 2006


Best performance 'to sa PDA!
1:52 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


After kong maging loyal sa Philippine Idol, ganito pa ang nangyari!

Reymund was out. Pareho kami ng reaction ni Ryan Cayabyab, halos magwala din ako habang nanunuod. Imagine, na-out ang bet ko nang ganito kaaga. Ang masama pa, bottom three ang top 3 contenders: Reymund, Gian, and Mau. I hate the results. I hate the voters. I won't watch Philippine Idol again, unless may magback-out at ibalik si Reymund. Apple and Reymund pa naman ako sa finale, tas wala, wala na! Tutok na ko sa Pinoy Dream Academy nayon. Yeng for the win! Mahal ko na siya.

For the nth time, please please Philippine Idol, ibalik niyo si Reymund, at alisin ang mga panggulo lang na sina Jeli, Ken, Miguel, at Pow. People, vote for the best singers!
1:25 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


"You'll be blessed."*

Saturday, October 14, 2006
Whoa! Kakacheck ko lang ng finals result at grade sa econ, at pumasa ko! First time kong kabahan sa isang subject nang sobra kaya sobrang saya na pumasa ko! Kahapon naman, akala ko bagsak ako sa 167, pero ok naman pala ang score ko, kaya sobrang pathank you ko kay sir tigno. Akalain mo, kung kailan ka nag-eexpect na mababa at saka naman unu-ok ang grade mo, kaya sobrang thankful ako. I feel blessed, sobra.

Kay Sir Pilapil, na-inspire niyo po ako. Nadagdagan niyo po yung confidence ko. Salamat po.

Isang exam na lang, SEM BREAK na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

*Galing kay Jasmine Joo
11:57 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Hanep

Saturday, October 07, 2006
May naligaw na picture sa grad pic cd ko. Hanep talaga! Tawa kami nang tawa nung biglang ibang tao 'yung lumabas!

Andami kong exams at papers next week! Wah! Nalulunod ako sa acad works!

Antagal naman nung copy ko ng Maxim september issue. Nasan na kaya 'yung magbibigay sa'kin?

Good luck sa'ting lahat! God bless. ^_^
7:01 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink