<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

mga katropa ko

Thursday, May 25, 2006
Naisipan ko lang kunan ng pics ang ilan sa mahahalaga sa'king bagay. Ala akong magawa eh, picture picture muna. Eto........



ang aking lumang-lumang PC. Malapit na atang mag-isang dekada 'to. Sa PC na yan, marami na kong nagawang kalokohan.^_^


Ganyan ko kamahal si Kisa, ang aking gitara. Siya ang kasama ko buong araw, tag-init o tag-ulan, bagsak man o pasado, inspired man o hindi. Hehe. Karamay ko siya noong panahong lugmok ako sa kalungkutan.:)


malaking problema ko ang buhok kong laging magulo kaya nagpapanic ako kapag naubusan ako ng styling gel, wax o gums. kasama diyan ang mga empty batteries nung panahong wala akong pambili ng magandang baterya para sa cam ko, at tararan! ang aking cellphone na napag-iwanan na ng panahon, pero di ko yan papalitan. :)


bulok na cabinet, ang tambakan ng readings at mga kalat ko. pasensya na, di ko yata kayang maging organize. ^_^
2:16 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Pasasalamat

Monday, May 22, 2006
Hindi ko namalayang ako mismo ang pumapatay sa sarili kong emosyon.

Nitong nakaraang mga linggo, lubog ang sarili ko sa takot at kawalang lakas.

Pero sa huli, nakita ko ang mga dapat kong makita at ipagpasalamat.

Sa isang taong nagbigay kulay sa nananabang kong mundo, maraming maraming salamat. Hindi mo alam na 'nung panahong wala na kong makitang liwanag, dumating ka, at mula nun, di na kailanman nagdilim ang mundo ko. Salamat sa'yo, nasan ka man....
1:09 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink