mga katropa ko
Thursday, May 25, 2006
Naisipan ko lang kunan ng pics ang ilan sa mahahalaga sa'king bagay. Ala akong magawa eh, picture picture muna. Eto........ang aking lumang-lumang PC. Malapit na atang mag-isang dekada 'to. Sa PC na yan, marami na kong nagawang kalokohan.^_^
Ganyan ko kamahal si Kisa, ang aking gitara. Siya ang kasama ko buong araw, tag-init o tag-ulan, bagsak man o pasado, inspired man o hindi. Hehe. Karamay ko siya noong panahong lugmok ako sa kalungkutan.:)
malaking problema ko ang buhok kong laging magulo kaya nagpapanic ako kapag naubusan ako ng styling gel, wax o gums. kasama diyan ang mga empty batteries nung panahong wala akong pambili ng magandang baterya para sa cam ko, at tararan! ang aking cellphone na napag-iwanan na ng panahon, pero di ko yan papalitan. :)
bulok na cabinet, ang tambakan ng readings at mga kalat ko. pasensya na, di ko yata kayang maging organize. ^_^