<$BlogRSDUrl$>
D I M E N S Y O N
Darating ka ba? Maghihintay ako.... Hindi ako kailanman mapapagod. Hinding hindi.

Saturday, July 30, 2005
"I want to tell you with my last breath... I have always loved you. I would rather be a ghost, drifting by your side... as a condemned soul... than enter heaven without you. Because of your love... I will never be a lonely spirit!"


San ngang movie 'to?
11:37 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


huling stick ng yosi

Sunday, July 24, 2005
hindi ko na matandaan kung kailan ko tinigilan ang marlboro lights. nagising ako nun na tinatanong ang sarili ko kung para saan at kailangan kong magyosi. pero natatandaan ko ang huling stick ng yosi na nilanghap ko. badtrip ang araw kong yun, kaya bumili ako kay manong ng isa. naubos, gusto ko pa, pero para akong namanhid sa kinauupuan ko. tumingin ako sa paligid, walang tao. hindi naman ako nagtatago pero bakit ako nag-iisa. pinagmasdan ko ang wala ng buhay na sigarilyo. lumalabo na ang paningin ko, pumikit ako at naramdaman ko ang mainit na tubig sa aking pisngi. ayoko na. tama na ang isa.
5:24 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Last Episode

Sunday, July 17, 2005
Kanina, napanuod ko ang Power Rangers Ninja Storm pagkatapos ng isang buwan na di ako nakapanood. Medyo nagulat ako, last episode na pala kanina. Sumabog ang thunder rangers robot, akala ko namatay sina Hunter at Blake. Nakapasok si Lottur sa hideout, dahil nabihag niya si cyber Cam.Winasak ng dalawa niyang seksing kampon ang hideout, kinidnap niya ang tunay na si Cam at pinatalsik niya si Sensei, tumilapon si Sensei. Akala ko katapusan na niya at ng power rangers. Dumating sila Shane, Dustin, at Tori sa hideout. Nagulat sila sa nangyari, hanggang sa lumabas si Sensei. Naging tao muli si Sensei at di pala namatay sila Hunter at Blake. Nabuhayan sila ng loob. Sinugod nila ang kuta ni Lottur, niligtas si Cam at ang buong mundo. Nagapi ang kampon ni Lottur, at muli, nagwagi ang power rangers at namayani ang kabutihan.
12:01 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Wasted

Saturday, July 16, 2005
"eversince, gusto na kita. i was not able to tell you everything. i was afraid kasi magkaibigan tayo."
i don't know if these were the exact words i told her.

"seryoso ka ba talaga? o baka naman sinasakyan mo lang 'yung tukso ko sa'yo?" she was smiling then, but not staring at me.

then i told her "i have waited for this moment, tinago ko ang feelings ko for five years. don't worry, walang magbabago. ikaw, sabihin mo lang kung ayaw mo talaga, tatanggapin ko."
then she did not reply.

i told myself, this time, ipaglalaban ko na. ayokong magsisi sa huli. i wanted to spend my lifetime with her.

"why are you going with us? nagpapakabait ka lang dahil nanliligaw ka. di ka naman talaga nagsisimba."
"ayaw mo nun, may blessings ni Lord 'yung panliligaw ko sa'yo."

i wanted to shout, at last, naging matapang din ako. finally, di ako naduwag.

there were those times na wala akong ginawa kundi isipin ang most romantic things na pwede kong ibigay o ipakita sa kanya, things that would make her feel she's the most important woman in my life.

i cried for her once, at di na 'yun naulit. masyadong mabilis ang pangyayari. it was my fault. ako ang siraulo, wala akong ginawa to save our relationship.

yes, i am sad. imagine, for five years, nagawa kong magtago. may regrets, pero 'yun ang dapat na mangyari. maybe a great love story has ended for us. at wala na rin ang mga pangarap ko para sa'ming dalawa. but i still miss her, naalala ko pa 'yung pinag-usapan namin before.

i told her, "alam mo, sabi ng mga matatanda, kung sino daw 'yung katabi mo sa pinakamahimbing na tulog mo, siya ang makakasama mo habambuhay."

"talaga, e ikaw 'yung katabi ko 'nun e."
she looked at me, and i knew, kita sa mukha ko na apektado ako.
then we laughed at each other.

i could not remember kung saan napunta ang usapang 'yun. but one thing i know, at siguro siya rin, nagbago na talaga ang lahat para sa'ming dalawa........
she sent me a message last week, nangangamusta, i did not reply. i had nothing to say. di ko alam kung bakit.

ayokong umiyak uli nang dahil sa kanya pero pakiramdam ko, di ko na mapipigilan.





6:26 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Pilipinas, Game K N B?

Wednesday, July 13, 2005
teka sandali lang. naririnig ko si kris aquino at ang tunog ng 1 million peso question. aalis na muna ko. baka sakaling tumama ako. anong makukuha ko? sana kaligayahan. cge.......
12:39 PM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Usapang Superhero

may kakilala ba kayong babaeng mahilig sa alaxan?
nanaginip ako ng isang babaeng superhero. may nilulunok siya pero hindi siya si Darna. naisip ko lang, hindi kaya alaxan ang iniinom niya? o kaya revicon? Baka namn umiinom siya ng charantia? kasi kung may kilala kayo, baka siya na ang makapagbibigay sa'kin ng kapangyarihan para maisalba ko ang nanganganib na mundo ng mga tao. hay..... kailan kaya ulit ako makakapanuod ng Power Rangers Ninja Storm?
11:03 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink


Tuldok at Kuwit*

Ayokong hanapin mo ako dahil sa hindi mo ako makita,(malabo) dahil sa hindi mo ako maramdaman….(malabo pa rin)

Nitong nagdaang mga araw, nagbabago ako ng anyo. Isa akong yelo, na nakakulong sa bakal na puno ng kalawang. Hindi tumatakbo ang oras. Paano ako makakawala nang hindi natutunaw? Nang hindi nadudumhan?

Kung dumating ang oras na maghahanap ka, puntahan mo ang nagliliparang alikabok. Isa ako sa kanila. At kung sakaling mapuwing ka, isipin mong ako ang pumupuwing sa’yo para di ka masaktan. Gusto kong maramdaman mo ang aking presensya nang hindi ako nakikita.

Kung madaan ka sa mga halaman, ‘wag kang kukuha ni isang dahon man lang, baka ako ang iyong mapitas,malulungkot ako.

‘Pag ninais kong muling magbagong anyo,(ayoko pa) ‘wag kang umasang makita ako. mag-iiba ako ng porma’t disenyo.

Kung mapadaan ka sa umaagos na tubig, damhin mo iyon ng iyong mga palad. ‘Wag mong punasan, isipin mo ako, hayaan mong matuyo at saka ako maglalaho.

Isipin mo lang akong tumatawa, tulad ng lagi kong ginagawa. Isipin mo lang akong tinotopak, at tawagin mo akong baliw, hindi parin ako masasaktan, tulad ng dati.

Di mo man ako makita, hindi ako lalayo. Magbago man ako ng anyo, ako pa rin ako. ‘Wag mo na akong hanapin dahil hindi ako nagtatago, pero hindi ako magpapakita.
Hayaan mong lumipas ang panahon………hanggang sa naisin kong ilapit ang langit sa aking puso……..doon lang ako magiging malaya……….


*hindi ako lumilimot, at hindi ako lilimot.
gusto ko lang maglakbay nang walang anino….. nang walang kasaysayan
10:32 AM :: 0 comments ::

Jayson :: permalink